BINALIKAN ng Kapamilya young singer-actor na si KD Estrada ang araw nang itinigil niya ang pagtawag ng “ate” kay Alexa Ilacad.
Sa pagsisimula ng “Pinoy Big Brother” season 10 celebrity edition, naging close na agad ang dalawang dating housemates sa Bahay ni Kuya.
Mas naging malapit pa ang dalawang Kapamilya young stars sa isa’t isa nang heart-broken si KD matapos mabasted at i-reject ng kapwa niya housemate na si Anji Salvacion.
At habang tumatagal, first name basis na ang tawagan nila ni Alexa hanggang sa mapalitan na ito ng “sweetie” at “baby.”
“When we got evicted. Sabay kami na-evict. Looking back, parang I just realized na Alexa was the only one who did not nominate me.
“She was always there for me, never backstabbed me, never talked behind my back and stuff,” kuwento ng binata sa panayam ni Bianca Gonzalez para sa Cinema News.
Pagpapatuloy pa niya, “She always cared even if she was tired. She never was tired for me. I just realized that this woman is just amazing. She’s the best and she deserves the best.”
At sa puntong ito, naging mas malalim na raw ang kanilang friendship, “I just wanted to make her happy din. Pero at least she felt the same way. She doesn’t see me as a brother.”
Inamin din ni KD na mismong si Alexa ang nagsabi sa kanya na huwag na siyang tawaging ate dahil two years lang naman ang agwat ng edad nila.
“I stopped calling her ‘ate’ inside the house na. She said, ‘How old are you?’ I said I am 19 and she is 21. It’s not that far. So okay, I would just stop calling her ‘ate.’ I just called her Lex,” pahayag pa ng aktor.
In fairness, mula nang lumabas sila sa “PBB” house, biglang dumami ang kanilang fans at mas nakilala pa ang kanilang loveteam na “KDLex.”
Pagkatapos ng matagumpay nilang event together, ang “KDLex: The Fancon” last Feb. 26 sa KTX, kasado na ang una nilang romcom series na Dreamscape Entertainment na ipalalabas ngayong summer.
Related Chika:
Alexa Ilacad, KD Estrada goodbye na rin sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage pasok sa top 5
Alexa Ilacad sa tunay na relasyon nila ni KD Estrada: Sa totoo lang pwede na nga, eh, pero…