Melai tinawag na bobo dahil kay Leni Robredo; nakipagtalakan sa tagasuporta ni Bongbong Marcos

Melai Cantiveros

MATAPANG na nakipagsagutan ang Kapamilya actress-TV host sa mga bashers na kumukuwestiyon sa tunay niyang motibo sa pagsuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Isa lamang si Melai sa napakaraming celebrities na lantaran ang pagsasabi na si VP Leni ang iboboto nilang presidente sa nalalapit na eleksyon.

Nagsimula ang pambabatikos at pangnenega kay Melai nang mag-post siya sa Instagram kahapon, March 7, ng kanyang quote card kung saan nakasulat ang dahilan kung bakit ipagkakatiwala niya ang kanyang boto sa presidential candidate.

“Ang boto ko para kay VP Leni Robredo ay boto ko para sa magandang kinabukasan ng mga kabataang Pinoy,” ang nakasaad sa quote card ng TV host at komedyana.

Sa comments section, makikita ang mensahe ng kaibigan ni Melai at co-host nito sa “Magandang Buhay” na si Karla Estrada na kumakandidato ngayon para sa isang party list. Ani Karla, “Love you lai (white heart emoji).”

Dugtong pa ng nanay ni Daniel Padilla, “Go go momshie mels! Amping (white heart emojis).”

Ang reply naman Melai sa kanya, “yesyesyes ikaw pod chamber.”

Kahit magkaiba ang sinusuportahan nilang presidential candidate (ineendorso ni Karla si Bongbong Marcos) ay nananatili pa rin silang magkaibigan at hindi nagpapaapekto sa issue ng politika.

Kasunod nito, sinagot din ni Melai ang mga negatibong komento ng mga anti-Leni.

“Patay tayo dyn Melai!” komento ng isang netizen na sinagot ni Melai ng, “Di nga tayu mamatay, mas mabubuhay pa tayu.”

Isang IG follower naman niya ang nagsabi na kaya lang daw niya  iboboto si VP Leni ay para mabigyan muli ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

“For the sake of Abs-cbn, not for the Philippines and it’s people, sa nkikita ko lang,” ang sabi ng hater sa komedyana.

Diretsahang sagot ng TV host sa kanya, “For the sake of u and ur family kaya ko boboto si Leni.”
“Si leni e boto nila para mabuksan ang abscbnEND,” patama naman ng isa pang basher.


Bwelta ni Melai sa kanya sa salitang Bisaya, “Buhi paman gani abs misag wala gibuksan (buhay pa naman ang ABS kahit hindi binuksan).”

Hirit pa ng isang netizen, “Ay leni kau para sa abs cbn di para sa Pilipinas,” na nireplayan ni Melai ng, “Mas para sayu hindi para sa abs para maencourage ka bumoto sa tama.”

Sabi ng isa pang hater, “Pink ang boto nang mga bobo.” Sagot ni Melai, “Are u sureeeee?”

Sabi naman ng supporter ni Bongbong Marcos, “BBM lang sakalam!” Ang banat ni Melai, “Mas sakalam Leni.”

“Huuuy Melai gising!!! Taga Mindanao kapa mandin bobo ka mag isip,” sey ng isa pang anti-Leni.

Ito naman ang resbak sa kanya ni Melai, “Ikaw ang gising hindi lahat ng taga mindanao parehas sayu mag isip, sabihin mu yan sa sarili mu, matagal kanang tulog, baka sa pagising mu Umayos na ang pinas.”

May follower din si Melai na nagsabing, “Sagdi nlng na sya kay utang kabu but on mn gd na nya lisud mn pd pero malay ba nmug ig ting butar sa tumoy sa ballpen lahi d.i awwww. Ipaglaban mn jd na nila ilang Nanay mando sa boss (Hayaan mo lang siya kasi utang na loob niya yan kahit mahirap malay natin sa araw ng botohan iba ang isusulat sa ballpen awwww. ipaglaban nila ang kanilang nanay dahil utos ng boss).”

Reply ni Melai, “Utang kabubut on ni Para sa inyuha nga nibutar sa akoa sa Pbb kay para dili lang ko muangat pati pod kamu, dili ni para sa akoa para ni sa inyu (utang na loob ito sa inyo dahil ibinoto niyo ako sa PBB para umangat ako kasama kayo, hindi ito para sa akin lamang kundi para sa inyo).”
https://bandera.inquirer.net/299706/melai-lucky-charm-nina-toni-at-alex-sobrang-swerte-ko-na-naging-friends-ko-sila

https://bandera.inquirer.net/287207/melai-ibinuking-ang-tunay-na-ugali-ni-erich-grabe-siya-may-offer-pa-sa-akin-yan-na-bahay

https://bandera.inquirer.net/281614/b-day-message-ni-jason-kay-melai-gusto-kong-mag-thank-you-sa-iyo-napakabuti-mong-asawa-at-nanay

Read more...