Alden, Bea parehong may OCD, umiinit ang ulo kapag marumi ang bahay

Bea Alonzo at Alden Richards

NAPATUNAYAN ng dalawang Kapuso superstars na sina Alden Richards at Bea Alonzo ang kanilang matindi nilang connection sa isa’t isa matapos sumabak sa “compatibility test”.

Sa kauna-unahang pagkakataon, magtatambal sina Bea at Alden sa  inaabangang Philippine adaptation ng hit Korean drama series na “Start-Up.”

Ngayon pa lang ay abangers na ang mga fans at supporters nina Bea at Alden sa Pinoy version ng “Start-Up” na isa sa mga tinutukan ng Filipino viewers sa Netflix.

Sa panayam ng GMA, isa sa mga naitanong kay Alden ay ang tungkol sa pet peeve ni Bea.

Sagot ng Asia’s Multimedia Star, “Organized kasi sa bahay din ‘yan si Bea, eh. One of my things in common with us, parehas kaming may OCD (obsessive compulsive disorder).

“Gusto maayos, malinis ‘yung bahay, especially ayaw niyang nagagalaw ‘yung mga gamit na naayos na niya,” pahayag ni Alden patungkol kay Bea.

Sey naman ng award-winning actress, “Oo, umiinit ang ulo ko kapag marumi ang bahay, hindi ako makapag-isip nang tama.”

Kasunod nito, natanong naman si Bea kung anong uri ng music ang laging pinakikinggan ni Alden.

“Tingin ko mas alternative and acoustic, ‘yun. Kasi ‘yun ang mga kanta niya eh,” tugon ng girlfriend ng hunk actor na si Dominic Roque.

“Nahuli niya ako!” hirit naman ni Bea na umaming halos pareho sila ni Alden ng pinakikinggang musika.


Ano naman ang mga bagay o sitwasyon na nagpapalungkot kay Bea, ang sumunod na question kay Alden.

“When it comes to family, nako-compromise ang family or any issues within the family, I see how si B takes care of her family. 

“If something’s wrong with family, I think ‘yun ang mga nagpapalungkot kay Bea. And that’s what we share in common,” sagot ng Pambansang Bae.

“Oo tama. Kaya natutuwa nga ako na ikinukuwento ni Alden na lagi pa rin siyang umuuwi sa Laguna. Kasi ako rin lagi rin akong umuuwi sa Zambales,” pagsang-ayon naman ni Bea.

Dagdag na pahayag ni Bea sa pagkakasundo nila ni Alden sa maraming bagay, “Ang tawag doon connection talaga.”
https://bandera.inquirer.net/286346/bea-na-shock-sa-pasabog-ng-nanay-stepdad-kapatid-at-sister-in-law-sa-compatibility-game
https://bandera.inquirer.net/301961/joey-reyes-may-pasabog-na-open-letter-poblacion-girl-ikaw-na-ang-miss-omicron-philippines-2021

https://bandera.inquirer.net/295617/alden-wala-pa-ring-lovelife-magti-30-na-ako-its-about-time-na-ako-naman

Read more...