Ellen, Derek naka-survive sa ‘African honeymoon’; may hugot sa mga insekto

Ellen Adarna at Derek Ramsay

“NAKA-SURVIVE” ang celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa kanilang bonggang honeymoon sa Africa.

Nag-share ng update sa social media ang celebrity mom at dating sexy star sa naging kaganapan sa last day ng honeymoon nila ni Derek.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng video ang aktres kung saan mapapanood ang ilang sweet moments nila ng hunk actor sa kanilang African trip.

“We almost missed our flight back home. But, survived this trip with lots of love, kisses, laughter, zero arguments and a sh*t load of insect bites,” ang isinulat niya sa caption ng kanyang IG post.

Sa huli, muling ibinandera ni Ellen ang pagmamahal niya kay Derek sa pamamagitan ng pagsasabi ng “I love you.”


Sumagot naman si Derek sa IG post ng kanyang misis kung saan inilarawan pa niya ang relasyon nila bilang “tried and tested” kahit sa maikling panahon lamang.

Nakasama rin ng mag-asawa sa honeymoon nila sa Africa ang anak na si Elias Modesto. Kitang-kita sa mga litrato nila sa Instagram na sobrang nag-enjoy ang bagets sa kanilang pagbabakasyon.

Matatandaang ikinasal sina Ellen at Derek sa isang intimate wedding sa Bagac, Bataan last November, siyam na buwan matapos nilang kumpirmahin ang kanilang relasyon sa publiko.

Nag-propose ang hunk actor kay Ellen noong March, 2021 makalipas lamang ang halos dalawang buwan ng kanilang relationship. 

Nauna rito, nagkaroon ng Q&A session si Ellen sa Instagram kung saan isa sa mga naitanong ng netizens ay kung kailan nila balak magkaroon ng baby ni Derek.

“When we are both ready, dai, it will happen. Chill,” sagot ni Ellen.

Ayon naman sa hunk actor, baka raw next year ay magbuntis na si Ellen sa kanilang first baby.

Basta aniya, hindi naman sila nagmamadali na magkaanak, pero kung bibiyayaan sila agad ng baby ay tatanggapin nila ito nang bonggang-bongga!

“Married life is beautiful. It’s wonderful. I have never been this happy in my life,” sabi ni Derek.

Patungkol naman sa pagbubuntis ni Ellen, “Probably next year. I want a boy, Ellen wants a girl.”

https://bandera.inquirer.net/300602/derek-ellen-tuloy-ang-honeymoon-sa-africa-kasama-si-elias

https://bandera.inquirer.net/306600/ellen-adarna-derek-ramsay-natuloy-na-papuntang-africa-kasama-si-elias
https://bandera.inquirer.net/292381/yam-apektado-ang-honeymoon-dahil-sa-covid-pinayuhan-sina-gerald-at-jm-sa-pagpapakasal

Read more...