JC Santos at baby River Aletheia
KUNG wala raw ang kanyang anak na si River Aletheia, baka raw nabaliw-baliw na si JC Santos ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Itinuturing ng Kapamilya actor na isang napakalaking blessing para sa kanya ang maging first-time tatay at sa ngayon ay talagang sobrang ini-enjoy niya ito ngayon.
“Sinasabi nila before parang kapag daddy ka na, mawawala na yung freedom and everything, ako parang hiyang, eh,” masayang chika ni JC sa virtual mediacon ng bago niyang pelikula under Viva Films, ang Adarna Gang.
Pagpapatuloy pa ng aktor, “Na-enjoy ko siya nang sobra, nae-enjoy ko siya every day. At saka yung mga discoveries habang lumalaki yung baby mo, you see it every day tapos makikita mo yung nagiging personality niya at nakikita mo na magiging maayos itong tao and I like that.”
Malaki rin ang pasasalamat ni JC sa pagdating ng anak dahil napakalaking tulong daw ng bata sa kanyang sanity sa panahon ng lockdown.
“Parang kumbaga, naging saver sa akin na may baby ako ngayon na pandemic kasi kung wala, baka mabaliw ako.
‘Kasi ang hirap ng work ngayon, so parang mabuti nalang meron akong kausap at pinagkaka-abalahan sa bahay.
“Ang saya pa kasi ng baby ko. So, yeah, I enjoy it, yung fatherhood, so much.
“Pati yung challenges, it’s part of the job. Mahirap siya pero it’s fun. May instant progress naman, meron kaagad na parang reward every day. So, hiyang ako,” sabi pa ni JC.
Nag-celebrate nitong nagdaang Feb. 27 ng kanyang second birthday si River at maraming na-touch sa message ni JC para sa anak sa pamamagitan ng Instagram.
“Sa anak naming komedyante: River.
“Alam namin na hindi ka pa mulat sa lahat ng mga nangyayari sa mundo ngayon. Nalampasan namin lahat ni Mommy ang hirap nitong nakaraang dalawang taon dahil andyan ka sa buhay namin.
“Sa bawat ngiti, tawa, sayaw, iyak, at lambing mo, anak, nailayo mo kami posibleng bigat ng pag-iisip. Binabalik mo kami lagi sa isang lugar na alam namin hindi kami mawawala… Ang ngayon.Ikaw na nasa harapan namin. Kapiling ka.
“Pasensya na, anak, kung hindi pa kami ganun kagaling sa pag-aalaga sayo. Gaya mo, baby pa rin kamisa pagiging magulang. Bago din ang lahat ng mga nangyayari sa paligid namin.
“Pero lagi namin susubukan at hindi kami susuko. Pinapangako namin na sa mga susunod na taon ng buhay mo magiging okay din ang lahat. Matututo din kami. Alam mo kung bakit? Dahil ang sarap sarap mong alagaan.
“Mahal na mahal ka namin, Anak. Araw-araw natututo kami kung papano ka namin mamahalin at hindi iyon matutumbasan ng kahit ano.
“Happy Birthday, Anak. Love, Mommy and Daddy,” emosyonal pang pahayag ni JC para kay River.
Matatandaang ikinasal si JC sa kanyang non-showbiz partner na si Shyleena Herrera noong September, 2019. Ang kuwento ng aktor, binasted daw siya noon ng asawa at nang muling magkita after 15 years ay nagkaroon nga ng part 2 ang kanilang love story.
https://bandera.inquirer.net/284411/jc-santos-umamin-sa-biggest-challenge-sa-showbiz-wish-na-magbukas-na-uli-ang-mga-sinehan
https://bandera.inquirer.net/305974/jc-santos-enjoy-na-enjoy-ang-pagiging-tatay-nakikita-mo-yung-nagiging-personality-niya
https://bandera.inquirer.net/297731/madaling-umiyak-pero-ang-pinakamahirap-ay-yung-magpipigil-ka