Maxene, Saab inalala ang 13th death anniversary ni Francis M: Your spirit is alive in the hearts and souls of the Filipinos

Saab Magalona, Francis Magalona at Maxene Magalona

INALALA ng magkapatid na Maxene at Saab Magalona ang ika-13 death anniversary ng kanilang amang OPM icon at Master Rapper na si Francis Magalona. 

Nag-post si Saab sa kanyang Instagram page ng isang video kung saan mapapanood ang anak na si Vito na naglalagay ng bulaklak sa puntod ng kanyang lolo Kiko (palayaw ni Francis) pati na sa kapatid niyang si Luna.

“Today is the 13th death anniversary of my dad,” simulang bahagi ng kanyang caption.

“Pancho was taking a nap and this one wasn’t sleepy at all so I decided to go on a one-on-one date with him to offer flowers to his Lolo Pop,” dugtong pa ni Saab.


Dagdag pa niya, “We also gave flowers to his Ate Luna who he’s only visiting for the 2nd time. His last time here was when he was 6 months old in March 2020.”

“You’re always in our hearts, our angels,” mensahe pa ni Saab sa mga namayapang kapamilya.
Samantala, nagbahagi naman si Maxene ng throwback black and white photo sa IG kasama ang kanyang ama.

Sabi niya sa caption, “La fille à Papa. Tu me manques, Pop!” 

“You may have been gone physically for 13 years but your spirit is alive in the hearts and souls of the Filipinos, now and forever. Especially in mine. I love you!” aniya pa.

Pumanaw ang actor-singer at songwriter noong March 6, 2009, matapos mag-diagnose ng acute myeloid leukemia noong August, 2008.

Pia Magalona may hiling kay Francis M; malalim ang hugot sa ‘dark side’

Saab sinupalpal ang netizen na nangnega sa kanila ni Maxene: Kaka-computer mo yan!

Kim Chiu may dalawang pangarap bago sumali sa PBB

Read more...