Madam Inutz
MATINDI at malalim din pala ang hugot ng sikat na online seller at dating Pinoy Big Brother season 10 celebrity housemate na si Madam Inutz pagdating sa pakikipagrelasyon.
Rebelasyon ni Madam Inutz o Daisy Lopez Cabantog sa totoong buhay, napakasakit at nakakawalang-respeto sa sarili ang mga pinagsasabi sa kanya noon ng dati niyang dyowa.
Sa pakikipagchikahan niya kay Karen Davila sa bagong vlog nito sa YouTube, emosyonal na ibinahagi ng former housemate ni Big Brother ang mga hamon ng buhay ng hinarap niya bago marating ang pinapangarap na tagumpay.
Kuwento ni Madam Inutz, nagdesisyon daw siyang lumipat sa Cavite matapos ma-stroke ang kanyang nanay para makatipid kahit paano.
Pag-amin ni Madam Inutz, dahil sa hirap ng buhay nila noon ng kanyang pamilya ay nagkautang-utang din siya na umabot sa mahigit P100,000.
Aniya pa, medyo mas mura raw kasi ang renta ng mga bahay sa Cavite kaya nagdesisyon siyang doon na manirahan at ipagpatuloy ang kanyang buhay.
Dahil nga rito, medyo nakakaipon siya para sa pagpapagamot ng ina. Kinailangan daw talaga niyang magsipag hanggang sa maisipan na nga niyang pasukin ang online selling.
Sabi ng komedyana, ang kanyang nanay ang nagsilbing inspirasyon niya para magsumikap at magpunyagi sa buhay na sinuklian naman daw ng Panginoon dahil sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon.
Samantala, naikuwento rin niya sa nasabing panayam kung bakit naging Madam Inutz ang tawag sa kanya ng mga suki niya sa online selling.
“Parang feeling ko sa sarili ko inutil ako dahil noong naghiwalay kami ng ex-boyfriend ko, sinabi niya sa akin ’useless ka, wala kang silbi’. So du’n ako napaisip na, ah baka inutil pala ako,” sabi pa niya.
“Bago kami maghiwalay, sabi niya sa akin ‘You will never be famous. Stop dreaming You can’t live without my support,’” dagdag pa ng online seller na napapanood na ngayon sa Kapamilya “sweetcom” na “My Papa Pi” kasama sina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach.
Ito naman ang tumatagos na one-liner message niya para sa dating boyfriend, “Look at me now.”
In fairness, talagang pinatunayan niya sa dati niyang dyowa at sa iba pang taong nanlait at nangmaliit sa kanya na kaya niyang mabuhay nang marangal at walang tinatapakan.
Samantala, sa lahat ng mga lalaking nagbabalak na manligaw kay Madam Inutz, isa sa mga mensahe niya sa mga ito ay, “Love me for who I am, because my ex doesn’t love me for who I am.”
https://bandera.inquirer.net/291104/madam-inutz-pangarap-makabili-ng-sariling-bahay-sumabak-sa-shopping-challenge-ni-sir-wil
https://bandera.inquirer.net/296362/madam-inutz-pinayagang-mag-live-kahit-nasa-pbb-house-para-makatulong-sa-pamilya
https://bandera.inquirer.net/292209/madam-inutz-wilbert-kumasa-sa-life-swap-challenge