Sa wakas, Ruffa ga-graduate na sa college; inspirasyon ng mga working mom

Ruffa Gutierrez, Venice at Lorin Bektas

SIGURADONG magsisilbing inspirasyon si Ruffa Gutierrez sa lahat ng mga nanay na nangangarap pa ring makapagtapos ng pag-aaral.

Masayang ibinalita ng dating beauty queen at aktres na sa darating na July ay ga-graduate na rin siya sa college.

Sa “Sexy Babe” segment ng “It’s Showtime” last Thuraday, March 3, kung saan isa si Ruffa sa mga judge, tinanong siya ng mga host kung bakit wala siya sa programa nu’ng isang araw.

Sagot agad ni Ruffa, “Naku, nag-aaral ako. I had academic deadlines! Practicum ko na. Tomorrow ang last day ko,” 

“I’m graduating college in July,” ang rebelasyon ni Ruffa na kumukuha ng Bachelor of Arts major in Communication Arts sa Philippine Women’s University sa ilalim ng  Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP).

Patuloy pang kuwento ng celebrity mom, “At least hindi na lang ako high school graduate. Pero, excuse me, 13 years old naman nagtatrabaho na ako, ‘di ba. It’s never too late!” 

Matatandaang noong May, 2021 ay ibinalita ni Ruffa sa pamamagitan ng social media na bumalik siya sa school para makuha ang kanyang pinakaaasam na college diploma.

“After 34 years of working in the entertainment industry, I have chosen to further my education. 

“Not only do I want to fulfill a long-held dream and take control of the next chapter of my life, I want to set a good example for my children. I hope you can support me in my new journey,” ang laman ng Instagram post noon ni Ruffa.

Sa panayam naman sa kanya ng “Magandang Buhay” last month, inamin niya na ang kanyang “special someone” ang nag-encourage sa kanya na tapusin na ang pag-aaral hangga’t may pagkakataon.


Pinaniniwalaan ng marami na ang tinutukoy ni Ruffa ay ang rumored boyfriend niyang si former Quezon City Mayor Herbert Bautista.

“Para siyang mentor, kasi sabi niya, ‘alam mo matalino ka, bakit ayaw mong mag-aral ulit? Tapusin mo ‘yung college mo,'” sabi ni Ruffa.

Naging inspirasyon din daw niya ang mga anak na sina Lorin at Venice para magkaroon ng maipagmamalaking college degree. 

“For them to just express na they appreciate you, napakalaking bagay nu’n,” sabi pa ng itinanghal na second Princess sa Miss World 1993 pageant. 

https://bandera.inquirer.net/299467/ruffa-sa-height-ni-herbert-half-of-filipino-men-are-shorter-than-me

https://bandera.inquirer.net/286891/sa-wakas-jodi-naka-graduate-na-sa-college-makalipas-ang-mahigit-1-dekada

https://bandera.inquirer.net/307246/maymay-kakaririn-ang-pag-aaral-sa-canada-ang-buhay-ko-po-rito-ay-masayang-masaya

Read more...