Kakai Bautista
HINDING-HINDI pa rin nakakalimutan ng Kapuso comedienne na si Kakai Bautista ang payo sa kanya noon ng ilang kakilala kung gusto talaga niyang makilala bilang singer.
Naibahagi ito ng komedyana sa publiko nang ma-achieve niya ang isa na namang milestone sa kanyang career bilang singer.
Kamakailan, nag-hit na ng 40 million views ang performance ni Kakai sa Wish Bus ng Wish 107.5 FM na ini-record niya limang taon na ang nakararaan.
Pinahanga niya ang publiko sa version niya ng “Bakit Nga Ba Mahal Kita?”, ang hit single ng OPM artist at dating aktres na si Roselle Nava.
Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Kakai ang nararamdamang kaligayahan dahil feeling niya tanggap na tanggap na siya ng mga tao bilang singer bukod sa pagiging komedyana.
Inalala rin niya ang mga puna at kritisismo sa kanya noong nagsisimula pa lang ang kanyang singing career.
“Sabe sa akin dati: ‘ipagawa mo yung ipin mo, may potential ka talagang maging sikat na singer” PAULIT – ULIT na SINABE KONG HINDI.
“Bakit? Dahil mas gusto kong maalala ng tao ang boses ko at kung anong nararamdaman nila kapag pinapakinggan nila ako, kesa sa TINITINGNAN LANG NILA AKO habang kumakanta. (laughing emoji),” ang caption ni Kakai sa kanyang FB post.
Inamin rin ng dalaga na hindi talaga niya inakalang pakikinggan ng masang Pinoy ang kanyang boses. Hirit pa niya, pumikit na lang daw ang lahat habang nakikinig sa version niya ng “Bakit Nga Ba Mahal Kita.”
Sey ni Kakai, “Naiyak ako sa saya nung Nakita ko tong tag ng Wish 107.5 sa akin today. 40 Million views! Naknampoooooooch!!!! Akalain nyo baaaa!!!!
“SO GUSYH kung pwede ko lang kayong yakapin lahat. Haaaaaaayyyy MARAMING SALAMAT!!! Ng wagas na wagas!!!!!!!!!!
“Pakinggan nyo ng Nakapikit, ramdamin nyo ang kwento ng awiting ito. (heart emoji),” ani Kakai.
Samantala, may post din si Kakai tungkol sa kanyang pagiging singer at performer. Aniya, “REAL TALK…
“I SING NOT TO PLEASE YOUR EYES nor Your EARS, BUT to tell YOU A STORY and TOUCH YOUR SOUL,” sey pa ng dalaga
Mensahe pa niya, “Para sa isang komedyante na ang realidad sa industryang ito ay maging komedyante nalang at hindi SINGER. Kase ganito, ganyan ka lang.
“Malaking Bagay kase PINAPAKINGGAN NYO AKO, kahit hindi ko sila kasing ganda at sikat.
“Pinaka-IMPORTANTE ay nakinig kayo. MARAMING SALAMAT!!!!!!!!!!!!!
“JUSKOW!!!!!! Sana wag kayong magsawang pakinggan lahat ng kwentong musika ko. Labyuh all.
“Thank you so much Wish 107.5 Sa Tiwala. (crying, praying hands emojis). To God be The Glory,” mensahe pa ng tinaguriang “Dental Diva”.
https://bandera.inquirer.net/281875/walang-pera-pera-ngayon-walang-fame-walang-everything-we-are-powerless
https://bandera.inquirer.net/286700/basher-ni-sanya-sunog-kay-kakai-kung-ayaw-nyo-sa-kanya-idulog-nyo-yan-sa-barangay
https://bandera.inquirer.net/288316/ryan-kakai-trending-sa-socmed-matapos-maturukan