Aga sa kambal nila ni Charlene: Paglaki ng mga iyan mag-aasawa, iiwan din tayo..magpapamilya

Aga Muhlach at Charlene Gonzales

MALAKI ang tiwala ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez sa kambal nilang anak na sina Atasha at Andres na parehong 21 years old na ngayon.

Malayo ngayon sa celebrity couple ang kanilang dalawang anak dahil nag-aaral na ang mga ito sa ibang bansa.

Sa Nottingham, United Kingdom  nag-aaral si Atasha ng kursong may kinalaman sa business habang si Andres naman ay nasa Spain at doon balak kunin ang kanyang college diploma.

Pag-amin ni Aga, “Hindi naging masyadong mahirap para sa amin ni Charlene na umalis ang mga anak namin at pumasok sa kolehiyo dahil mula nung nag-asawa kami ni Charlene, napag-usapan na namin iyan.

“Kasi at the the end of the day, tayong dalawa ang magkasama talaga. Ang mga anak natin ay nilikha natin, nilikha ng Panginoon.

“‘Pero ang ibig kong sabihin, ang anak natin, paglaki ng mga iyan, mag-aasawa, iiwan din tayo, magpapamilya. Importante, tayong dalawa magkasama talaga.’ So, nasanay kami nang ganu’n,” pahayag ni Aga sa virtual mediacon last March 3 para sa upcoming magazine show ng Net25 na “Bida Ka Kay Aga.” 

Dagdag pa ng award-winning actor at TV host, “Also, at the same time, napakaganda rin ng nangyayari sa ngayon because of the internet also, hindi mahirap.

“Puwede kayong mag-usap araw-araw, puwede kayong magkita on this Facetime, with all these apps, para magkita-kita kayo at magkausap. Pamilyang malayo sa isa’t isa, nandiyan lahat iyan,” sabi pa ni Aga.

Dagdag pa ng asawa ni Charlene, mas gusto raw nilang lumaking independent ang mga anak, “Plus again, nu’ng kalagitnaan ng pandemya sa Europa at America, medyo bukas sila nang kaunti so mas nakakaikot ang mga anak ko du’n.

“Masaya kami kaysa nakakulong sila dito, mabuting nandu’n sila at nakakagala sila. Pangalawa, masaya rin kami more than malungkot dahil alam namin ang mga anak namin, nagiging independent.

“Dahil sila lang ang nandu’n, natututo silang kumilos mag-isa, mag-ayos ng kuwarto nila, magluto, mag-ayos ng gamit nila, mag-budget ng pera nila, lahat,” diin pang pahayag ni Aga.


Aniya pa, “Habang nangyayari iyan, alam namin na mahirap para sa kanila mag-isa, pero alam namin sa ikabubuti nila.

“Dahil sa alam namin yun, maganda ang pakiramdam ng puso naming mag-asawa. Parang nagiging responsable ang mga anak namin,” sey ng aktor.

Kasunod nito, naikuwento rin ni Aga ang naging COVID-19 journey nila ni Charlene pati ng ng kanilang dalawang anak, “Nu’ng pandemya, like everyone else we all tried to be careful.

“But unfortunately, we all got it. Atasha got it. At some point Andres got it. I got it, too, my wife nagkaroon din. So lahat kami dinaanan namin iyan.

“We’re trying to be careful. Pero at least naayos na namin iyan. We’re all okay, we’re all good.

“I’m happy na kahit paano unti-unti nang bumabalik na sa normal ang sitwasyon natin, and our country especially kahit paano binubuksan-buksan na.

“And hopefully, at some point, everything will turn to normal. We know that COVID is still there. Mag-ingat na lang tayong lahat.

“I see people has started working again. Sabi nga, di ka mamamatay sa COVID, pero mamamatay ka naman sa hirap sa buhay.

“Slowly and slowly we are getting there. Unang-una laging sinasabi kapit lang, God is good you know. May darating talaga para sa atin, and now, slowly, we are getting back to normal,” pahayag pa ni Aga.

Samantala, excited na si Aga na mapanood ng Filipino viewers ang “Bida Kayo Kay Aga” sa NET 25.

“I didn’t have second thoughts when NET 25 offered me this show. I wanted to do something different. I was offered to do teleseryes but I am too passionate with films kaya parang mahirap tumanggap ng TV series,” pahayag ni Aga.

Nagpapasalamat siya sa NET 25 dahil sa bagong opportunity na ibinigay sa kanya, “They gave me shows that I want like the game show. I want to spend time naman na makasama ang audience kasi that is something that I miss kasi wala tayong pelikula. Hindi rin lahat kasi nakakapanood ng sine. I am happy doing this show.”

“With this show, we want to make more people happy. Gusto ko na ma-experience nila ang saya. Gusto ko lang talaga magpasaya ng tao.

“I liked the show’s format because we are able to focus with people who are doing random acts of kindness which is good and what I like most is that I am interacting with the public. 

“I come in the show as a fan of the people. Nakakaiyak, nakatutuwa ‘yung mga napapanood ko ‘yung simpleng tao. This is a feel-good show which I really wanted to do. We want to feature stories to inspire others and make them feel good as well,” sabi pa ni Aga.

Pag-amin pa ng aktor, “I don’t really want to talk about it but in my own little way marami na akong natulungan. I just didn’t want talk about it.

“Masaya na ako na naging bida ako sa buhay nila. May nabigyan ako ng shelter, ng hanapbuhay, ng ligaya sa puso nila. I was able to save a lot of people through the years,” sey pa ng mister ni Charlene.

“The Bida being featured doesn’t know that I am the one interviewing them. So they are really starstruck when I come into the picture. Pero nahihiya rin ako sa kanila so I try not to talk too much but just listen to their inspiring story,” pahayag ng aktor.

Ang “Bida Kayo Kay Aga” ay mapapanood na simula sa March 26, Sabado, 7 p.m. sa NET 25 mula sa Eagle Broadcasting Corporation.

https://bandera.inquirer.net/302676/anak-nina-aga-at-charlene-na-si-atasha-pak-na-pak-maging-miss-universe

https://bandera.inquirer.net/305091/damingganap-willie-aga-may-niluluto-nang-proyekto-para-sa-tv-network-ng-pamilya-villar

https://bandera.inquirer.net/302787/aga-charlene-nagpositibo-sa-covid-habang-nagbabakasyon-sa-us-praying-for-complete-healing

Read more...