Palabang sexy star na si Stephanie Raz puring-puri si Vince Rillon sa mga ginawa nilang sex scenes

Vinve Rillon at Stephanie Raz

BONGGA ang ganap ng sexy star at Viva bombshell na si Stephanie Raz sa erotic trilogy na “L” dahil siya lamang ang leading lady dito ni Vince Rillon na mapapanood sa tatlong kuwento nito.

Present si Stephanie sa mga episode na “Larawan”, “Liko” at “Lipat” kaya naman feeling lucky and grateful ang dalaga dahil sa tiwala sa kanya ng Viva Entertainment.

In fairness, hindi nawawalan ng proyekto ang palabang hubadera sa Vivamax na napanood sa mga pelikulang “Pornstar 2”, “Hugas”, “Sanggano, Sanggago, Sangguwapo” at “Aussie Aussie O Sige”.

Kuwento ni Stephanie patungkol sa role niya sa “L”, “Ako si Lana, ang girlfriend ni Vince Rillon na nakipag-break sa kanya sa start ng show at naging dahilan ng journey ng paghahanap niya ng bagong pag-ibig

“Hindi ako nakikipag-agawan sa kanya dahil alam kong siya ang baliw na baliw sa akin,” aniya pa.
Bukod kay Stephanie, ang iba pang leading lady ni Vince sa “L” ay sina Ayanna Misola (Larawan), Cloe Barreto (Liko) at Cara Gonzales (Lipat).

“Yes, I’m there sa lahat ng stories and I get to work with all the three directors na sina Topel Lee, EJ Salcedo and Roman Perez Jr. And I’m so grateful to be given the chance to work with all of them.

“May natutuhan ako sa bawat isa sa kanila kasi lagi silang nakagabay na lahat sa amin at never kaming pinabayaan ng co-stars ko,” sabi pa ng dalaga.


Sa tanong kung kumusta ang pakikipag-love scene niya kay Vince, “He is such a gentleman sa love scenes namin. He asks me muna kung ano ang boundaries ko. 

“Ako ang dahilan kaya siya naghahanap ng ibang mamahalin niya, so intense ang mga eksena namin.

“It’s good kaibigan ko si Vince kaya mas madali ang trabaho para sa amin. Maalaga siya at may respeto sa kapareha niya,” dagdag pang chika ng sexy star.

Sabi ni Stephanie, ang isa sa mga pangarap niya ngayon ay mabigyan ng serious dramatic role kung saan mas maipakikita niya ang kanyang pagiging aktres at hindi lang basta nagpapakita ng katawan. 

“Hindi naman siguro masama ang mangarap. Basta sa ngayon, I accept all the roles they give me for more exposure at mas makilala ako ng viewers. 

“Hinahasa rin ako nito sa pagharap sa kamera para by the time na dumating yung challenging lead role na inaasam ako, handa na ako para sa kanya,” sey pa ni Stephanie.

https://bandera.inquirer.net/303326/paolo-gumabao-sa-sex-scenes-nila-ni-vince-rillon-ano-pre-sasagarin-ko-to-ha-para-one-take-lang

https://bandera.inquirer.net/305728/sexy-actor-na-si-vince-rillon-nakipagchurvahan-sa-4-na-palabang-sexy-star-sa-erotic-trilogy-na-l
https://bandera.inquirer.net/305480/vince-rillon-ayaw-mang-rebound-ayokong-gawin-sa-iba-para-hindi-mangyari-sa-mga-kapatid-kong-babae

Read more...