Ano ang konek ng ‘Artikulo 247’ sa mga taong nahuli ang asawa na may ka-sex na iba?

Kris Bernal at Rhian Ramos

KNOWS n’yo na ba kung ano ang nakasaad sa “Artikulo 247” sa Revised Penal Code na ipinatutupad dito sa Pilipinas?

Sa kauna-unahang pagkakataon,  tatalakayin ng bagong teleserye ng GMA 7 ang nasabing batas na pagbibidahan nina Rhian Ramos, Kris Bernal, Benjamin Alves at Mark Herras.

Dito, lilinawin at idedetalye ng programa kung anu-ano ang dapat malaman ng mga mag-asawa tungkol sa kanilang mga karapatan at dapat ipaglaban sakaling may magloko o mangaliwa sa kanila.

Ang “Artikulo 247” na mapapanood sa Afternoon Prime ng GMA simula sa Lunes, March 7 ay mula sa direksyon ni Jorron Lee Monroy na nangakong maraming matututunan ang viewers sa kuwento ng serye.

Base sa nakasaad sa Google, ang Article 247 ay, “Any legally married person who having surprised his spouse in the act of committing sexual intercourse with another person, shall kill any of them or both of them in the act or immediately thereafter, or shall inflict upon them any serious physical injury, shall suffer the penalty of distierro.”


Ayon kay Direk Jorron, ang ipapataw na distierro sa nagkasala ay hindi talaga matatawag na parusa kundi proteksiyon sa maaaring gawin ng pamilya ng nasaktan o napatay.

Inamin naman ni Rhian na ngayon lang niya naintindihan ang nasabing batas at mabuting malaman din ito ng mga mag-asawa o gusto nang magpakasal.

“I heard naman about articles like this before in the law. I just didn’t know, hindi ko alam na nasa Revised Penal Code natin dito sa Pilipinas.

“I think everyone should know about it. Siguro parang feeling ko, when you have more knowledge, mas prepared, para posibleng, you know, could save you from making a mistake, when you have more knowledge on something.

“I don’t want to know about it para gawin nila para patayin nila yung mga asawa nila at mga kabit ng asawa nila. Not for that purpose,” simulang paliwanag ng Kapuso actress.

“Maybe I want people to know about it also kasi so that they know about cheating, perhaps.

“Kasi, kung alam mo na kung ganu’n kalaki yung consequence ng mga actions mo, baka mas lalong i-avoid yung…siyempre, there’s so many reasons not to cheat. 

“Because you love your partner. Because you don’t want to hurt anyone that you love, or maybe you don’t want to hurt anyone in general,” dagdag pa ng dalaga.

“But, I think, another thing is, if there is a law that protecting the person that will possibly get back at you for this, so don’t do it na,” chika pa ni Rhian.

In fairness, sa trailer pa lang ng “Artikulo 247” ay talagang nakuha agad nito ang atensyon ng manonood kaya siguradong may kaaadikan na naman tuwing hapon ang Kapuso viewers.

https://bandera.inquirer.net/306954/kris-tumodo-ng-kissing-scene-sa-artikulo-247-mas-marami-pa-yung-halikan-ko-rito-kesa-sa-asawa-ko

https://bandera.inquirer.net/306969/rhian-super-mumog-ng-mouthwash-bago-makipaglaplapan-tinotoo-ang-fight-scenes-nila-ni-kris

https://bandera.inquirer.net/307082/rhian-ayaw-pang-mag-asawa-kahit-31-na-for-me-ang-dami-ko-pang-gustong-gawin-at-ma-achieve

Read more...