Heaven Peralejo natuto sa ‘science’ dahil sa mga bashers

Heaven Peralejo natuto sa 'science' dahil sa mga bashers
ISA ang Kapamilya actress na si Heaven Peralejo sa mga naging paborito ng mga bashers nitong nagdaang mga buwan.

Pero sa kabila ng mga pangit na mga salita at mga bansag na ibinabato sa kanya ng mga ito, may mga natutunan naman raw siya sa mga ito.

Sa naging interview sa “Magandang Buhay” ni Heaven nitong Byernes, March 4, ay napag-usapan nila ang mga “Marites”.

“Marites” na kasi ang bagong terminong ginagamit sa mga taong mahilig maki-tsimis o maki-chika sa buhay ng iba, in short mga makabagong tsimoso’t tsismosa.

Pagkukwento ni Heaven, “Alam niyo, kahit po sa mga ‘Marites’ po na ‘yan ay ang dami ko pong natutunan.”

Dagdag pa niya, “Sa mga rotations and everything. Natuto po ako ng science kaya okay na rin po.”

Ang “Science” ma tinutukoy ni Heaven ay may kaugnayan sa naging caption niya nang magbahagi siya ng kanyang larawan noong November 25 para sa kanyang ika-22nd birthday.

Nag-post kasi siya ng kanyang solo picture na naka-white dress at may hawak na wine glass habang nasa tabing dagat.

“22 rotations around the sun and cheers to more [sun emoji]” caption ng dalaga na talaga namang pinutakti ng mga bashers.

 

 

May mga nagtama sa Kapamilya star at sinabing “revolutions” ang tamang term at hindi “rotations”.

Matapos mag-trending ng kanyang post ay agad naman niyang pinalitan ang kanyang caption at nagpasalamat sa “science lessons” ng mga netizens sa kanya.

Sey naman ni Heaven, mas okay at mas maganda na mag-focus na lamang sa ibang bagay kaysa mag-aksaya ng oras ang mga netizens na lahat na lang ay nakikita.

Aniya, “Alam ko lang po na mabilis lang ang buhay, might as well enjoy it. At the same time, wala kang tinatapakan na tao, at masaya ang pamilya mo at masaya ka, wala kang [naagrabyado]. Alam mo yun, go, enjoy.”

Proud naman ang aktres sa kanyang latest achievement at ito nga ay ang pagtatapos niya sa pag-aaral sa kabila ng mga hindi niya magandang pinagdaanan.

Kamakailan ay grumaduweyt na si Heaven sa kursong business management sa Southville International School affiliated with Foreign Universities.

“Ngayon kasi masarap sa feeling na nakapagbigay ako ng gift para sa aking pamilya at para sa sarili ko rin po. Mas nagkaroon din ako ng confidence, kumbaga, na kahit ano ang ibigay sa akin at ibato ng mundo, e, kakayanin ko at alam ko na may fallback ako if ever na gusto kong mag-focus sa family. May fallback ako para makapagbigay ng income sa aking pamilya,” pagbabahagi ng aktres.

Related Chika:
Heaven umaming naging ‘rollercoaster’ ang buhay: I’m in the phase of loving myself
Heaven nagkaroon ng instant ‘Science lesson’ sa kanyang b-day post

Read more...