Geneva Cruz may pa-throwback kasama si Ian Veneracion: Who wouldn’t have a crush on him?

Geneva Cruz may pa-throwback kasama si Ian Veneracion: Who wouldn't have a crush on him?
ISANG larawan ang natagpuan ng aktres na si Geneva Cruz habang tinitignan nito ang “baul” ng kanyang ina.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktres ang larawan niya kasama ang forever crush ng bayan na si Ian Veneracion na kuha 32 years ago.

Base sa caption ni Geneva, October 20, 1990 nang kunan ang larawan nila ng aktor na bumida noon sa TV sitcom na “Joey and Son” kasama si Joey de Leon.

“Who wouldn’t gace a crush on Ian Veneracion when he was on ‘Joey and Son’? Wala, everyone had a crush on him ata,” pagbabahagi ng aktres.

Dagdag pa ni Geneva, “I rememver asking my angel mama to take our photo considering medyo mahiyain ako ng mga panahon na yan. Hehe! Glad to have found this photo in mama’s baul.”

 

 

Agad namang dinumog ng mga netizens ang post ng aktres na kasalukuyang parte ng Kapuso teleserye na “Little Princess”.

Pag-amin ni Geneva, 13 years old lang siya nang kunan ang litrato.

“Gwapo talaga ni Ian noon hanggang ngayon at syempre ikaw pretty na cute pa noon hanggang ngayon din,” saad ng netizen na si @mylenedabao.

Comment naman ni &abbe_dee_lim, “Meron dapat now & then, Geneva and Ian. Cute mo miss Gen, pinay beauty at nakakamatay talaga ang kagwapuhan ni Ian Veneracion jusko.”

Labis naman ang gulat ng aktres nang malamang tinag ng mga netizens si Ian sa mga comments nila.

“Hala! You guys tagged him! Byeee! I’ll hibernate for 30 days,” sey ni Geneva.

Mukha namang nabulabog rin si Ian sa notifications dahil ilang araw matapos ma-post ng aktres ang larawan ay nag-comment naman ang aktor.

“Wow naman! Shy talaga? Pag nakikita nga kita, di ka namamansin eh! Yeehee!” pambubuking ni Ian kay Geneva.

Tanging “Haha!” lang ang reply ng aktres sa comment bagay na kinakiligan naman ng ilang netizens.

Magkakaroon kaya ng remake ang larawan ng dalawa gaya ng hiling ng madlang pipol?

Abangan na lang natin.

Related Chika:
Nanay, kapatid ni Geneva tinamaan din ng COVID; pamilya humiling ng dasal at tulong pinansyal
Geneva nang alukin ng GMA bilang kontrabida: Sabi ko, teka muna ‘di ko alam kung matutuwa ako diyan…

Read more...