Angeline Quinto malapit nang manganak: Can’t wait to see you anak

Angeline Quinto malapit nang manganak: Can't wait to see you anak

IBINAHAGI ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto ang bagong update sa kanyang pagbubuntis.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang isang video clip ng kanyang baby boy na gumagalaw sa kanyang sinapupunan kasama ang kanyang larawan galing sa kanyang recent maternity shoot.

“I’m 31 weeks pregnant ans counting kicks… Came from my doctor today and happy to share with all of you that my body is growing healthy and strong! I can’t wait to meet you anak,” saad ni Angeline.

Matatandaang diretsahang inamin ng Kapamilya singer-actress ang kanyang pagbubuntis sa isang interview niya kay Tito Boy Abunda matapos kumalat ang chika ukol sa kanyang pagdadalangtao.

Ikinuwento rin noon ni Angeline ang ilang detalye ukol sa ama ng kanyang dinadala sa nasabing interview.

 

 

“Nakilala ko siya, Tito Boy, dahil kaibigan po siya nu’ng boyfriend din ng kaibigan ko sa Sampaloc. Non-showbiz po.

“Tapos nu’ng nagkita kami isang beses hanggang sa nagkaroon ng communication po, nagtuloy-tuloy. Bale mag-iisang taon mahigit na rin po kami,” pagbabahagi ni Angeline.

At dahil nga maraming curious kung sino ang ama ng anak ng Kapamilya singer dahil hindi naman ito pala-post sa social media at mukhang nais nilang manatiling pribado ang kanilang relasyon lalo’t medyo magulo ang mundo ng showbiz ay pinili na lang ng aktres na huwag munang maglabas ng detalye ukol sa kanyang non-showbiz dyowa.

 

Ngunit tila ready na ngayon ang Kapamilya star na ipagsigawan ang kanyang relasyon sa ama ng kanyang magiging anak dahil ipinakita na niya ito sa kanyang vlog kung saan ibinahagi niya ang mga ganap noong nag-maternity shoot siya.

Bukod rito, nag-post rin si Angeline ng larawan nila ng kanyang dyowa kasama ang pamilya ni Vice Ganda noong February 22.

Related Chika:
Angeline Quinto hindi binalak itago ang pagbubuntis: Naghanap lang ako ng tamang timing
Angeline nag-post ukol sa pinakamagandang ‘positive’ sa kanyang buhay

Read more...