Rocco sa online scammer: Sana makunsensya ka sa ginagawa mo, karma na ang bahala sa yo!

Rocco Nacino

PAGKATAPOS magbigay ng warning si Gabby Eigenmann sa publiko tungkol sa scammer na gumagamit ng pangalan niya, si Rocco Nacino naman ang nagbabala sa mga netizens.

Ibinahagi ni Rocco sa kanyang Instagram account ang palitan nila ng mensahe ng online scammer na nagpakilalang si Gabby Eigenmann.

Tulad nang naunang kuwento ni Gabby tungkol sa nasabing scammer, humihiram ito ng pera kay Rocco at nangakong ibabalik naman agad kapag naayos na raw ang problema sa bangko.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Rocco kagabi, March 1, ng naging usapan nila ng pekeng “Gabby Eigenmann”. 

“So this happened a few days ago. Namuntikan pa ako dahil bagong gising ako. Buti nalang at naisipan ko muna silipin ang contact number para iverify at tawagan si @gabbyeigenmann para manigurado.

“Kasi alam ko mayaman tong si brother Gabby at kung meron man uutang ako dapat un sa kanya HAHAHAHA! 

“Ayan, confirmed. At nagsimula na ang pakiki ride ko sa poser na ito para makuha number nya,” kuwento ng Kapuso actor.

Ayon pa kay Rocco, siguradong marami nang nabibiktima ng mga ganitong uri ng modus sa social media kaya sana raw ay mas maging maingat at mapagmatyag ang lahat.

“It’s sad to know that may mga gumagawa talaga ng ganito. Sana maging aral ito para sa ating lahat na magingat palagi at magkaroon ng presence of mind lalo na kapag pera na ang usapan.

“Sa taong ito, sana makonsensya ka sa ginagawa mo, at karma na ang bahala sayo. Kung kailangan mo ng pera, gumawa ka ng tamang paraan para makaipon. Hindi lahat nasshortcut.

“Sa mga followers ko, kung gusto niyo siya pagtripan. Ayan ang number nya [laughing emoji] will be reporting this also to the authorities para mahanap ang taong to at wala na sya maloko.

“Be safe everyone. Doble ingat palagi,” paalala pa ni Rocco.


Bago ito, nauna na ngang nagsumbong sa publiko si Gabby sa pamamagitan din ng Instagram tungkol sa paggamit ng sindikato sa kanyang pangalan.

Binalaan niya agad ang kanyang mga socmed followers pati na ang  mga kaibigan na huwag magpaloko sa mga scammer na nanggagamit ng mga artista para makakuha ng pera.

Sabi ni Gabby, “Got a call from my friend @nacinorocco, asking if i was the one messaging him on telegram.. sad to say there’s this person using my name and profile pic asking for money.

“Pls do not entertain any messages from this person pretending to be me. Kung sino ka man tigilin mo na ang pangloloko sa mga tao, mas doble ang balik sa karma,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/306711/gabby-eigenmann-ginamit-ng-scammer-para-makagetsing-ng-p10k-rocco-nacino-muntik-nang-mabiktima

https://bandera.inquirer.net/282820/rocco-nagbukas-ng-sariling-covid-testing-center-anthony-hannah-bida-sa-heart-of-asia-summer-station-id

https://bandera.inquirer.net/293394/carla-ibinuking-si-rocco-grabe-yung-pressure-sa-kanya-pero-napanindigan-niya-yun

Read more...