Kris tumodo ng kissing scene sa 'Artikulo 247': Mas marami pa yung halikan ko rito kesa sa asawa ko | Bandera

Kris tumodo ng kissing scene sa ‘Artikulo 247’: Mas marami pa yung halikan ko rito kesa sa asawa ko

Ervin Santiago |March 02,2022
facebook
share this

Kris tumodo ng kissing scene sa ‘Artikulo 247’: Mas marami pa yung halikan ko rito kesa sa asawa ko

Ervin Santiago - March 02, 2022 - 11:28 AM

Mark Herras, Kris Bernal, Rhian Ramos at Benjamin Alves

WALANG reklamo at hindi rin seloso ang chef-businessman husband ni Kris Bernal na si Perry Choi.

Sa naganap na virtual mediacon ng GMA kahapon, March 1, para sa bago nilang serye na “Artikulo 247” ay pinasalamatan ni Kris ang asawa dahil all-out ang suporta nito sa kanyang showbiz career.

Makakasama ni Kris sa nasabing programa sina Rhian Ramos, Benjamin Alves, Victor Silayan at Mark Herras. 

Ayon kay Kris, matagal silang nagkahiwalay ni Perry nang sumabak siya sa lock-in taping ng bago niyang teleserye. Ito’y makalipas lamang ang ilang linggo nang magpakasal sila noong September, 2021.

Sey nga ng aktres, mas marami pa raw siyang kissing scenes sa mga leading man niya sa “Artikulo 247” kesa kay Perry.

“Binilang ko nga, parang mas marami pa yung halikan ko sa kanila kesa sa asawa ko,” natatawang chika ni Kris.

“Pero ang asawa ko, hindi siya nangingialam sa trabaho ko. Sabi ko nga, I just follow kung ano yung hinihingi ng direktor, kung ano yung hinihingi ng script.

“And as long as in-approve naman ng production, mabilis akong kausap. ‘Sige, gawin ko ‘yan,’” aniya pa.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap na kontrabida si Kris sa isang GMA series at super thankful siya sa GMA na kahit hindi na siya exclusive artist ng network ay binigyan pa rin siya ng napakagandang proyekto.

“Thankful and grateful to GMA kasi nabigyan uli ako ng bagong show. Nakabalik ako sa GMA and ang ganda-ganda ng role na ibinigay nila sa akin. Ang ganda-ganda ng show.

“It’s actually my first full-time kontrabida role. Almost same with Impostora, pero kasi I can say na this is more difficult for me.

View this post on Instagram

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)


“Parang may emotions na kahit ako, na-surprise ako na kaya ko palang gawin. May emotions na nailabas ako na hindi ko pa nagawa before, maybe because I’m used to be the goody-goody one.

“Ako lagi yung bida, ako yung kawawa, so parang lahat bago sa akin. Ako na ngayon yung nananakit, pero na-enjoy ko siya actually.

“Na-realize ko na nga na parang my acting skill was put to test. Na-challenge talaga ako. Pero very thankful nga kasi may soap uli ako sa GMA,” dire-diretsong chika ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na ang “Artikulo 247” sa darating na Lunes, March 7 sa GMA Afternoon Prime, directed by Jorron  Lee Monroy.

Payo ni Kris kay Aljur: Ask for God’s guidance kung saan ka dapat at ano ang para sa iyo…

Kris Bernal sinabihang super arte dahil ayaw ng simpleng kasal: Gusto ko kasi grand lahat!

Vice, Ion hindi sinusukat ang love sa isa’t isa: Ang mahalaga pareho kaming nagmamahal, sapat na ‘yun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending