Jerry Yan, Vaness Wu ng ‘Meteor Garden’ muling nagsama sa isang variety show

Jerry Yan, Vaness Wu ng 'Meteor Garden' muling nagsama sa isang variety show

Jerry Yan and Vaness Wu

BAGO pa man mahumaling ang sa mga “Oppa” mula sa mga Korean series sy mayroon munang Taiwanese boy group na talagang nagpakilig at nagpasaya sa atin.

Sino nga ba ang makakalimot sa F4 na binubuo nina Jerry Yan, Vic Chou, Vaness Wu, at Ken Chu na bumida sa hit series na “Meteor Garden” kasama si Barbie Hsu na ipinalabas sa Pilipinas noong Mayo 2003 ng ABS-CBN.

At kahit ilang taon na ang nakakalipas ay hindi pa rin nawawala sa ating puso ang unang mga nagpakilig sa atin.

Kaya naman labis ang saya ng mga tagasuporta ng F4 nang muling magsama ang dalawa miyembro ng grupo na sina Jerry Yan at Vaness Wu sa variety show na “Welcome Back To Sound” bilang mga guests.

Bagamat hindi kumpleto, tila dream come true pa rin para sa fans ng apat ang muling pagsasama ng dalawang aktor lalo na’t 2013 pa nang huling mag-perform ang apat bilang isang grupo matapos silang ma-disband noong 2009.

Para kay Jerry Yan, sobrang espesyal ng proyektong ito hindi lang para sa mga fans kundi para sa kanya mismo dahil muli niyang makakasama ang kaibigang si Vaness.

“I think this show has brought me closer to him,” pagbabahagi ng aktor na nakilala bilang OG Dao Ming Xi.

Inamin ng dalawa na marami rin ang mga naging isyu noon sa kanila bilang grupo gaya ng inggit at selos bagay na nauwi nga sa pagkakahiwalay nila.

Marahil ay dala na rin na mga bata pa sila noon kaya naman hindi rin nila naiwasan ang mga ganong pagkakataon lalo na at talga namang umaapaw ang suporta ng tao sa kanila mula sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Kwento rin ni Jerry, nagkaroon rin ng pagkakataon na nagkita-kita sila sa bahay ni Vaness na nangyari 4-5 years ago.

Kinanta rin nila ng dalawa sa naturang show ang “Ni Yao De Ai” ni Penny Tai na naging Theme song ng kanilang series na “Meteor Garden”.

Related Chika:
Ex-EXO member Kris Wu arestado sa kasong rape

Read more...