Gerald, Julia nag-Valentine date kasama ang nanay at mga kapatid; Marjorie nagpa-cooking contest

Gerald Anderson, Julia Barretto kasama si Marjorie at mga kapatid

“I’M so grateful because my children chose to spend Valentine’s with me!” Ito ang pahayag ni Marjorie Barretto sa kanyang YouTube channel.

Ayon sa dating aktres, laging fully-booked ang River Garden Rest House na matatagpuan sa Calumpit, Bulacan at sinuwerteng bakante ito noong Peb. 13-14 kaya doon sila nagsama-sama.

Naunang dumating sa venue si Marjorie para masimulan na niyang mag-prepare para sa kanilang V-day celebration.

“We chose to spend it at the River Garden. We are waiting for my adult kids to arrive. We came the night before, ako, si Leon, at si Erich para makapag-set up. At dahil may online school pa rin ang mga bata dapat mauna kami para makapag-online school.

“Every Valentine’s since my children are very little, binibigyan ko talaga sila ng surprise on Valentine’s Day. Paggising normally ng mga bata meron na akong mga surprise (gifts) sa bed nila,” tsika ni Marjorie sa kanyang vlog na may titulong “Valentine’s Family Date.”

May mga pagbabago na ring naganap sa ganitong set-up dahil may asawa na ang panganay niyang si Dani samantalang si Julia ay may sarili na ring bahay.

“Kaya lang nahirapan ako. ‘Yung iba nag-asawa na, ’yung isa may sarili ng bahay. But today magkakasama kami, dinala ko na lang ’yong mga gifts for them. Kahit matatanda na sila nag-e-expect pa rin sila,” say ng dating aktres.

Isa-isang ipinakita ni Marjorie ang mga regalong nakabalot sa pink eco bag na ibibigay niya sa mga anak with their corresponding partners tulad ni Dani at asawang si Xavi at si Julia with Gerald Anderson, dalawa naman ang regalong matatanggap ni Erich bilang bunso at tig-isa naman sina Leon at Claudia at mayroon din para sa apong si Miliie.

Habang hinihintay ang pagdating ng ibang mga anak ay inilibot din muna ni Marj ang video sa mga “angels” niya sa kusina na nagluluto ng sinigang na liempo, lumpiang shanghai at iba pa. Ipinakita rin ang Malunggay pandesal na inalmusal niya na nilagyan ng butter at isinawsaw sa kape.

Habang pinapanood namin ang vlog ni Marj ay ginutom kami sa masasarap niyang putahe para sa V-day celebration niya with her kids.

Naunang dumating si Dani with her family at agad ibinigay ni Marjorie ang gift sa apo na biscuits, chocolates, damit, at gamit na pang-bake naman sa kanyang anak.

Dumating naman si Claudia at ang gift ng mommy niya ay ang paborito niyang tatlong bote ng sparkling water, mga chocolates at notebook (mula sa mga kasama nila sa bahay) for her day-to-day schedule. 

Chocolates at candies din ang regalo ni Marj kay Julia na may potato chips at notebook na mula rin sa mga kasama nila sa bahay.

Habang sine-set up ni Marjorie ang mahabang dining table sa courtyard ay nakita sa video na nagbuhat ng upuan si Gerald.

May pakontes pa ng pagluto ng pasta sina Julia at hubby ni Dani na si Xavi. Natawa naman si Marj dahil nahiwa na ng aktres ang kamatis ng hindi nito hinugasan, “Bata hinugasan mo na ba ‘yang kamatis? ‘Yan ang kaibahan natin, linis muna,” panunukso ni Marj sa anak.

“Pag ininit mo ‘yan patay na lahat ang bacteria n’yan. Pag niluto na, pag nainitan patay na,” katwiran ni Julia.

“What!” nagulat na tanong ng ina ng aktres.

Hirit naman ng isang kasama nila, “Actually ma’am bago ibalot (sa grocery) hinuhugasan na, pero puwede rin namang hugasan ulit.”

“O, sige na hugasan na habang nandito pa (si Marj) para matapos na,” saad naman ni Julia.

Habang pine-prepare na ang cold cuts na ilalagay sa charcuterie board ay tinanong ni Leon kung anong tawag sa maliliit na ingredients na inilalagay ni Dani.

Kinorek ng ate ni Leon ang tamang pronunciation ng charcuterie board na nilalagyan ng maninipis na cheese at cold cuts.

“What? Actually, alam ko lang happy meal, eh,” sagot ni Leon.

“Ako Chicken joy lang alam ko,” saad naman ni Dani.

At habang inaayos ng mag-inang Marjorie at Dani ang ilalagay sa charcuterie board ay, “I’m charging my kids five thousand per head.” Na ikinagulat nina Leon at Dani.

“With board, lodging, food, steak, wine?” sagot ng ina.

Nabanggit din ni Marj na kapag ikinasal na ang mga anak ay dalawang araw ang hiningi nito sa kanila na makasama niya, “Christmas Eve and Valentine.”


At habang niluluto ni Julia ang kanyang tomato pasta ay ibinuking ng mama niya na, “Julia’s making the pasta here, Xavi’s making the pasta inside.

“Look at that (sabay focus sa niluluto ng anak) according to Julia her version is better than mine,” say ni Marj.

Sabi naman ni Julia, “Yeah, I told everyone that.”

Sa pagpapatuloy ni Marjorie, “She brainwashed everybody in thinking that and it looks good (sabay turo sa anak), hey lots of pepper Julia.”

At nauna nang kumain sina Dani with hubby at si Leon sa nilutong pasta. Samantalang si Julia ay hindi pa tapos magluto.

Kaaliw dahil ibinuking pa ni Marj ang anak na si Julia, “Three hours later, ito ang cook na nakaupo at may wine, may assistant ang galing!”

At masaya nilang idinaos ang kanilang V-day dinner. Kasunod nito, inulit ni Marjorie ang hiling sa mga anak, “So my kids, I told them, ‘When you get married, dalawang araw akin. Christmas Eve and Valentine’s Day.”

https://bandera.inquirer.net/284432/banta-ni-marjorie-sa-mga-naninira-kay-julia-buhay-na-buhay-pa-ang-nanay-niya

https://bandera.inquirer.net/290415/dani-emosyonal-sa-1st-day-ng-online-schooling-ng-anak-hashtag-nikko-nag-propose-na-sa-long-time-partner

https://bandera.inquirer.net/288390/kim-dani-nilalag-si-bela-totoo-nga-bang-naging-dyowa-si-zanjoe

Read more...