Zoren, Carmina nagkaiyakan nang balikan ang 'mabilisan' nilang wedding: Hindi kami prepared! | Bandera

Zoren, Carmina nagkaiyakan nang balikan ang ‘mabilisan’ nilang wedding: Hindi kami prepared!

Ervin Santiago |February 28,2022
facebook
share this

Zoren, Carmina nagkaiyakan nang balikan ang ‘mabilisan’ nilang wedding: Hindi kami prepared!

Ervin Santiago - February 28, 2022 - 05:16 PM

Carmina Villarroel at Zoren Legaspi

NAGKAIYAKAN ang celebrity couple na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel nang sumalang sa question and answer session kamakailan.

Sa latest vlog ni Carmina na may titulong “Questions you wanted to ask Zoren from IG” ay naging emosyonal nga silang mag-asawa nang mapag-usapan ang tungkol sa kanilang pagpapakasal. 

Halos 10 years na silang nagsasama bilang married couple at habang tumatagal ay mas lalo pa raw tumitibay at nagiging solid ang kanilang pagsasama.

Bukod pa riyan, napakalaking factor din sa kanilang maayos at punumpuno ng pagmamahal na relasyon bilang mag-asawa ay ang kanilang mga anak na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi.

Isa sa mga questions ng mga netizens na sinagot ni Zoren ay ang tungkol sa kanilang wedding noong 2012. Dito inamin ng aktor na talagang medyo minadali niya ang pagpo-propose kay Carmina dahil sa isang napakahalagang pangyayari sa buhay nila.

“Anong favorite part mo ng wedding natin?” amg tanong ni Carmina sa kanyang loving husband. Sagot ni Zoren, “I guess, you walking sa aisle.”

At habang ine-explain ang sagot niya, hindi na napigilan ng aktor at direktor ang maiyak lalo na nang balikan ang isa sa mga rason kung bakit minadali niya ang preparasyon para sa kasal nila ni Carmina.

“Hindi ko binabanggit ito sa mga interviews, ngayon ko lang po ‘yan sinabi at tsaka ‘di po alam ni Mina ‘yung isa sa mga triggering factor noon (ng kasal),” pahayag ni Zoren Legaspi tungkol sa kasal nila ng lead star ng Kapuso series na “Widow’s Web.”

“Kasi ‘yung wedding na ‘yun ito ang ‘di ko pa nasasabi. Okay, alam naman nila na surprise kasi ‘yun at ang isang triggering point kasi nu’n kaya siya naging surprise at mabilisan ay dahil nagkasakit si Daddy Regie (tatay ni Carmina), bibigyan ng hip replacement.”

View this post on Instagram

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)


Kaya naman agad na pumasok sa isip ni Zoren na ito na ang tamang panahon para magpakasal sila ni Carmina. Ito’y bago pa nga gawin ang hip replacement ng tatay ng aktres.

Pahayag ni Zoren, “Wala ka (Carmina) kasi doon sa meeting ng doctors and with your family, siblings, so ako ang nag-represent sa’yo doon sa meeting. Sabi ng doktor doon, kapag ginawa iyon (hip replacement), 50-50 si Daddy Regie.

“Then it hit me, sabi ko, kung magpapakasal kami ni Mina na wala si Daddy Regie, hindi mawi-witness ni Daddy Regie, useless kasi wala na ang mama mo, tapos, naglalakad ka ‘dun, wala pa Daddy Regie mo. So for me, useless siya,” lahad pa ng Kapuso actor.

Maya-maya ay umiiyak na rin si Carmina dahil nahawa na nga sa pagiging emosyonal ng asawa.
Sey niya kay Zoren, “Daddy, questions lang naman ang gusto nating tanungin, bakit tayo nag-iiyakan dito. 

“Hay naku, hindi ako ready, hindi kami prepared, wala kaming tissue. Dapat pala iyon na lang ang last question ko,” chika pa ni Carmina.

Huling nagsama sa isang project together sina Carmina at Zoren sa kanilang first Kapuso mini-series na “Stories from the Heart: The End Of Us” na tumalakay sa pagkakaroon ng other woman ni mister.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na uli si Carmina sa GMA 7 bilang si Barbara Sagrado-Dee sa kauna-unahang Kapuso suspense-serye na “Widows’ Web” simula ngayong gabi sa GMA Telebabad.

Carmina, Zoren nagkaiyakan sa pag-alis ni Mavy: We miss you already…

Zoren kakaibang iyak ang ipinakita sa ‘The End Of Us’: Para hindi ako pagtawanan ng kambal

4 bagong reyna ng Bb. Pilipinas hinamon; hindi nakaligtas sa viral question ni Boy Abunda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending