Miss Ukraine 2015 Anastasiia Lenna ibinandera ang baril; handa nang lumaban kontra Russian invasion

Miss Ukraine Anastasiia Lenna

TRENDING at viral na ngayon ang dating beauty queen na si Miss Ukraine Anastasiia Lenna na rumampa noon sa 3rd Miss Grand International na ginanap sa Thailand.

Umani ng papuri at positive comments si Anastasiia nang walang takot na umanib sa kampo ng Ukranian military forces para ipagtanggol ang kanilang bansa sa nagaganap na Russian invasion.   

Naging official candidate siya ng Ukraine sa 3rd Miss Grand International na ginanap noong Oct. 31, 2015 sa Bangkok, Thailand kung saan nakasabay niya ang bet ng Pilipinas na si Parul Shah.

Pumasok si Anastasiia sa Top 20 candidates ng nasabing international pageant ngunit nalaglag na sa huling labanan habang si Miss Philippines ang nagwaging 3rd Runner-Up at Best in National Costume.

Si Miss Dominican Republic Anea Garcia ang itinanghal na Miss Grand International 2015.

Taong 2016 naman nang muling sumabak si Anastasiia sa isang international beauty pageant, ang 8th Miss Supranational na ginanap sa Poland noong Dec. 2, 2016 pero hindi pa rin siya pinalad.

In fairness, hindi man nagwagi si Miss Ukraine sa mga international beauty pageant ay unti-unti naman siyang nakikilala ngayon sa buong universe dahil sa kanyang tapang, paninindigan at pagiging makabayan.

Sa isa niyang Instagram post, makikita ang former beauty queen na may hawak na mahabang baril na may caption na, “Everyone who crosses the Ukrainian border with the intent to invade will be killed!”


Gumamit pa siya ng mga hashtags na #prayforukraine, #stopwar, #handsoffukraine at #standwithukraine na tumutukoy nga sa magulong sitwasyon sa Ukraine.

At alam n’yo ba na mula sa mahigit 75,000 Instagram followers, bigla itong lumobo sa 100,0000 at patuloy pa ring tumataas. Grabe rin ang dami ng mga positibong komento na nakuha ng kanyang IG post.

Samantala, pati ang Miss Supranational Organization ay proud na proud kay Miss Ukraine at ibinandera rin ang ipinaglalaban ng dating beauty queen sa kanilang IG page.

May caption itong, “We stand with Ukraine” at “Our thoughts and prayers go out to the people of Ukraine.” 

https://bandera.inquirer.net/299629/pinoy-fans-inireklamo-ang-pagkatalo-ni-samantha-sa-miss-grand-international-2021-miss-vietnam-naiuwi-ang-korona

https://bandera.inquirer.net/287146/john-lloyd-ellen-derek-nag-celebrate-para-sa-3rd-b-day-ni-elias
https://bandera.inquirer.net/293751/mariel-may-nakakalokang-koleksyon-heart-pinakyaw-ang-mga-sapatos-ni-ruffa-mae

Read more...