Jake Ejercito sa lahat ng boboto sa Eleksyon 2022: Be loyal to the country…not to politicians

Jake Ejercito

MAY punto at totoong-totoo ang advice ng Kapamilya actor na si Jake Ejercito sa sambayanang Filipino, lalo na sa mga nag-aaway-away nang dahil sa magkakaibang pananaw sa isyu ng politika.

Paalala ng aktor sa madlang pipol, huwag daw maging loyal sa mga politiko at huwag basta maniwala sa mga kandidato ngayong  kasagsagan ng kampanya para sa May 9, 2022 elections.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, ibinahagi ni Jake na mula rin sa pamilya ng mga politiko, ang kanyang payo sa mga botante. Aniya, “Never be so loyal that you betray your country.”

Kasunod nito, nag-post din ang celebrity dad ng isang quote card mula sa isang Facebook page kasabay ng paliwanag na hindi lamang para sa mga DDS (Duterte diehard supporters).

Para rin daw ito sa mga tagasuporta ni Bongbong Marcos o BBM supporters, ni Vice President Leni Robredo na tinatawag namang “Kakampinks” at ng mga loyalists ng pamilya Estrada.


Tweet ni Jake, “My tweet refers to DDS, Marcos loyalists, Dilawans, Kakampinks, etc. And yes, even Estrada loyalists. Be loyal to the country and your principles, not to politicians.”

Kilalang Leni supporter si Jake sa katunayan noong Feb. 8, nang mag-start ang opisyal na campaign period para sa mga tumatakbong politiko sa national positions, nag-post si Jake ng litrato nila ng anak na si Ellie.

Nakasuot siya ng damit na may nakasulat na, “Laban Leni.” Sey niya sa caption, “Para kay Ellie. Para sa bansa. #KulayRosasAngBukas #AngatBuhayLahat.”

Nauna rito, bago pa magsimula ang kampanyahan para sa nalalapit na eleksyon, nag-post ang aktor sa kanyang Twitter account ng throwback photo niya nang makisali sa rally laban sa pagpapalibing sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, Sr. sa Libingan ng mga Bayani.

Kasama nito ay isa pang litrato ng aktor na nakasuot ng face mask na may mukha ni VP Leni at may nakasulat na, “Leni Robredo 2022”.

“5 years ago today, I joined a rally to protest FEM at LNMB. Had to cover my face with a bandana for personal reasons. 5 years later, face still covered, but this time loudly and proudly. #tumindig,” ang mensahe ni Jake.

https://bandera.inquirer.net/304886/oyo-loyal-na-loyal-kay-kristine-kung-wala-si-god-malamang-nagloko-na-ko-may-anak-na-sa-ibang-babae

https://bandera.inquirer.net/299318/loyal-fan-ng-bubble-gang-nagkaroon-ng-cancer-at-bells-palsy-tinamaan-pa-ng-covid-19

https://bandera.inquirer.net/280394/liza-duguan-ang-puso-para-sa-mga-pinoy-na-hindi-makapagtrabaho-is-our-country-really-this-poor

Read more...