JAKE aahasin si JESSY kay SAM | Bandera

JAKE aahasin si JESSY kay SAM

Ervin Santiago - September 18, 2013 - 03:00 AM

HINAMON ni Jake Cuenca si Sam Milby – “may the best man win” na lang daw ang laban sa panliligaw sa Kapamilya actress na si Jessy Mendiola. Handang makipagsabayan ang hunk actor kay Sam pagdating sa panunuyo kay Jessy.

Sa tingin namin, mas malaki ang chance ni Jake na mapasagot ang kanyang leading lady sa Pinoy version ng Mexicanovelang Maria Mercedes kesa kay Sam dahil siya nga ang makakasama ni Jessy nang madalas dahil nga sa kanilang proyekto sa ABS-CBN.

“Well, kung sa show mapapanood niyo na pinag-aagawan si Maria Mercedes, eh hindi naman malabo mangyari ‘yan kay Jessy Mendiola, kasi iisa lang naman sila.

Ang sa akin, may the best man win,” pahayag ni Jake sa isang interview. Nabalita na nagkaroon daw ng tensiyon sa pagitan ng dalawang aktor sa nakaraang Star Magic Ball, balita kasing binakuran ni Sam si Jessy sa nasabing event kaya hindi nakasingit si Jake.

Pero nilinaw naman ito ni Jake, friends naman daw sila ni Sam kaya hindi sila aabot sa pisikalan. Pero mariing sinabi ng aktor, “Di ba she’s still single, so wala pa tayo sa finals.”

Speaking of Maria Mercedes, excited si Jake sa muling pagsabak sa teleserye, matagal-tagal na rin siyang nabakante sa paggawa ng soap opera, “It’s really a homecoming to be back as the leading man again.

Siyempre the last soaps that I did medyo offbeat din ‘yung role ko sa Kung Ako’y Iiwan Mo at Kahit Puso’y Masugatan. So you know this is where I started and I’m really happy na they gave me a role like this.”

Dagdag pa niya, “I think I had to get in touch again with me being matinee idol, more or less, because in Cinemalaya, I played the rapist in the movie.

In Lihis naman, I played the gay military person so more or less I really need to know myself again and more or less bring it that way.”

Chika pa ng aktor, nakaka-relate siya sa role niya sa Maria Mercedes, “Sa akin naman the role is very close to home, the role is very close to my personality, so more or less, the most challenging part is to make it different lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siguro may slight changes and I just got back to my Spanish roots in terms of passion and all of that.”

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending