Kapamilya stars excited na sa pagbabalik ng Star Magic Ball, sports fest ngayong 2022

Lauren Dyogi at Star Magic artists

NGAYON pa lang ay super excited na ang mga Kapamilya stars sa pagbabalik ng ABS-CBN Ball at All-Star Games sports fest ngayong 2022.

Excited at masayang ibinalita ni Lauren Dyogi, Head of TV Production ng ABS-CBN na maraming bonggang sorpresa at pasabog ang Star Magic bilang bahagi ng ika-30 anibersaryo nito this year.

Ayon kay Direk Lauren, ang inaabangang charity ball ng Kapamilya Network taun-taon at iba pang live events (na natigil dahil sa pandemya) at mga bago pa nilang pasabog ay sunud-sunod na magaganap ngayong taon.

Ibinandera ito ng TV executive sa naganap na “Kapamilya Strong” event at contract-signing ng mga Star Magic artists kamakailan na aming nasaksihan kasama ang ilan pang mga entertainment editors.

“Alam n’yo naman na maraming dinaanan ang Star Magic sa loob ng 30 years. We would like to thank the men and women who really started Star Magic,” aniya pa kung saan binanggit niya ang mga pangalan nina Freddie M. Garcia, Johnny Manahan at Mariole Alberto.

“Maraming salamat for laying the foundation and for building Star Magic,” sabi pa ni Direk Lauren na siya ring head ngayon ng Star Magic.

“Paahon na kami. This time, we’re venturing into a new era of Star Magic in the 30 more years to come. This is officially the start of the 30th year,” pahayag pa ni Direk Lauren.


Pagpapatuloy pa ng ABS-CBN executive, “There’s a history of 30 years and we’re venturing into a new era. So you have to plan more. At saka nagbago kasi ang landscape eh. 

“Hindi na katulad ng dati na we were on free TV and it was so easy to come up with programs. It was so easy. We went with seemingly unlimited resources at that time. So ngayon iba na.

“Iba na ang engagement. Hindi lang naman sa free TV, there’s social media, there’s a lot of different platforms. The artists are still there wanting to build connections. 

“So nandito pa rin kami para maging katuwang nila to help them, to support them, to really guide them to reach their goals. And I’m lucky in Star Magic nandiyan yung beteranong mga managers and road managers na patuloy na gumagabay sa kanila. 

“But for activities and for trainings, we will continue to evolve, grow, and make activities not only to build camaraderie among the artists, but also to build their characters and also to build their skills. Abangan na lang nila,” dagdag pa niya.

Bukod nga sa ABS-CBN Ball at Star Magic Ball, inaasahan din ang pagbabalik ng traditional All-Star Games sports fest this year dahil sa pagbabalik ng Pilipinas sa low-risk classification ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

“Marami namang plano. Ibabalik muna natin yung mga dating nakagawian natin, nakasiyahan tulad nung mga sportsfest, yung ball definitely that’s really something to look forward to. 

“We’re now starting our catalogue shoot for the 2022 catalogue of our artists. We’re going to have a new website hopefully and we’re venturing to the international arena, not only through our productions but partnering. 

“We’ve asked a lot of our artists to  audition for international productions. Ang dami-daming possibilities,” lahad pa ni Lauren Dyogi.

https://bandera.inquirer.net/295168/lauren-dyogi-nagsalita-na-kung-siya-ba-talaga-ang-mystery-kuya-sa-pbb

https://bandera.inquirer.net/296852/vice-ganda-miss-na-ng-madlang-pipol-mylene-masaya-sa-muling-pagbabalik-bilang-kapamilya

https://bandera.inquirer.net/287107/netizen-na-nangnega-sa-pagbili-ni-donnalyn-ng-suv-sa-halagang-p8-m-supalpal-gusto-kong-kasuhan

Read more...