Joel Lamangan bumilib kay Kit Thompson: All out siya sa pagiging daring, walang tanong-tanong

Christine Bermas, Kit Thompson at Joel Lamangan

PURING-PURI ng award-winning veteran director na si Joel Lamangan ang Kapamilya hunk actor na si Kit Thompson.

Isa si Kit sa tatlong leading man ng baguhang sexy star na si Christine Bermas sa bagong obra ni Direk Joel, ang suspense-drama-thriller na “Moonlight Butterfly” na mula sa panulat ni Eric Ramos. 

Ang dalawa pang makakatambal ni Christine sa pelikula ay sina Albie Casino at Ivan Carapiet. Ka-join din sa bagong Vivamax original movie na ito sina Jolo Estrada, Tanya Gomez, Quinn Carillo, Gigo de Guzman at Hershie de Leon.

Sa naganap na online mediacon ng “Moonlight Butterfly” kamakailan naikuwento ni Kit ang tungkol sa kanyang karakter.

“I play Elliot, an American diplomat who’s also a widower. I fall in love with Christine Bermas as Eunice, a streetwalker in Angeles City. I offer to help get her out of her poverty. Her mother has kidney disease and I even help in arranging for her to get a kidney transplant,” sey ng binata.

Walang kaalam-alam si Eunice na isa rin palang undercover CIA agent si Elliot.

Isa namang prostitute si Eunice sa kuwento na siyang bumubuhay sa kanyang pamilya. Pinag-aaral din niya ang kanyang boyfriend (Albie) sa pag-asang kapag nakatapos ito ay maiaahon na sila sa hirap.

Hanggang sa makilala na nga niya si Elliot na siyang bubuhay sa kanyang pamilya without knowing na may dyowa na ito. Mawawalan sila ng communication at sa pagbalik ni Elliot ay malalaman niyang may iba nang nagsusustento kay Eunice na isang Arabo (played by Ivan Carapiet). 

Kasunod nito, magiging magulo ba ang takbo ng buhay ni Eunice at pati ang buhay ng kanyang pamilya ay malalagay pa sa panganib. Kaya nga sabi ni Direk Joel, magsisimula sa romantic drama ang pelikula at magtatapos bilang suspense-spy-thriller.
 
Sa tanong kay Direk kung paano niya ide-describe si Kit bilang aktor sa “Moonlight Butterfly”, “He’s very professional, very cooperative, all out siya sa pagiging daring, no questions asked. He’ll get far in this business.”


Ito ang unang pagkakataon na makakatrabaho ni Kit si Direk Joel kaya natanong sa kanya ng press kung naranasan ba niya ang umano’y pagiging terror director nito?

“Actually, I didn’t experience yung pagiging terror director niya. It’s actually an honor working with direk Joel. It’s a very memorable experience for me as I’ve always wanted to work with him since I started acting. 

“I’m flattered sa mga sinabi niya about me and I’m glad that I gave him a good impression. I’m really serious with my job, with my craft and I appreciate working with good directors like him,” sagot ng aktor.

Kumusta naman ang naging working relationship nila ni Christine Bermas? “She is very sensitive, she really listens to Direk Joel to do her work well and that’s very important. You can see her passion to improve her craft. She’s also very cooperative sa love scenes kaya hindi kami nahirapan.”

Mapapanood na ang “Moonlight Butterfly” simula sa March 18 sa Vivamax.

https://bandera.inquirer.net/293444/kit-albie-bibinyagan-si-christine-bermas-sa-sex-drama-spy-thriller-na-moonlight-butterfly

https://bandera.inquirer.net/302250/baguhang-sexy-star-proud-na-umaming-naging-kasambahay-nagtinda-rin-ng-mga-kakanin
https://bandera.inquirer.net/293486/albie-na-shock-nang-malamang-callboy-ang-role-sa-movie-julie-anne-muling-nadiskubre-ang-sarili

Read more...