Kilikili ni Chynna Ortaleza agaw-eksena sa socmed: Natural yan, kuskos & prayers lang!

Chynna Ortaleza

AGAW-EKSENA ang kilikili ng Kapuso actress at TV host na si  Chynna Ortaleza sa isa niyang social media post recently.

Pinagpiyestahan ng mga “Marites” ang underarms ng misis ni Kean Cipriano at halos lahat ng netizens na nagkomento ay naaliw at napa-sana all na lamang. 

Nagbakasyon ang pamilya nina Chynna at Kean sa isang beach sa  Nasugbu, Batangas at ilan nga sa mga bonding moments nila roon ay ibinahagi nila sa publiko sa pamamagitan ng pagpo-post ng kanilang solo at family photos.

Ngunit ang talagang nang-agaw ng atensiyon ng mga netizens ay ang swimsuit photo ni Chynna kung saan nakahiga siya sa beach at nakataas ang isang kamay.

Aniya sa caption, “My kilikili is making a comeback.”

Dugtong pa niya, “Natural yan. Kuskos & prayers lang.” Nilagyan pa ng aktres ang mensahe niya ng laughing emojis.

Isang netizen ang sinagot ni Chynna sa comments section na nagtanong kung gaano niya katagal kinarir ang pagpapaputi at pagpapakinis ng kanyang kilikili.

Sagot ng aktres, hindi talaga naging madali para sa kanya ang ibalik ang dating itsura ng underarm niya matapos isilang ang anak nila ni Kean na si Salem. 

“Tagal ko yang hinintay. Iba ang darkness ng baby boy e,” sey ni Chynna.

Ang tinutukoy ng celebrity mom ay ang matandang kapaniwalaan na kapag lalaki ang ipinagbubuntis ng isang babae ay talagang mangingitim daw ang kilikili.

Sa isang health website, nakasaad na ang isa sa mga rason ng  “darkening of underarms” ay  hormonal imbalance, “Being pregnant with a boy means the expectant mother is also facing some unusual hormonal action.”

https://bandera.inquirer.net/303342/chynna-kean-takang-taka-kung-bakit-nahawa-pa-rin-ng-covid-ang-mahal-magpa-rt-pcr-aguy

https://bandera.inquirer.net/282884/sa-mga-nagsasabi-pong-may-covid-kaming-buong-pamilya-hindi-po-totoo
https://bandera.inquirer.net/283408/kean-may-ginagawa-kay-chynna-kaya-happy-ang-pagsasama-siya-lang-ang-may-kaya-i-swear

Read more...