SA unang virtual mediacon ng suspense thriller movie na “Bahay na Pula” ni Direk Brillante Mendoza ay naglalaro sa isipan namin na literal na kulay pula ang bahay lalo na nu’ng ipakita ang trailer na reddish ang karamihang kuha. Sina Xian Lim, Julia Barretto at Marco Gumabao ang pangunahing bida na ayon sa kanila ay unang beses silang makagawa ng ganu’n kuwento bukod pa sa pare-pareho silang takot sa ganitong klaseng pelikula.
Pero dahil na-challenge sila kay direk Brillante na kahit may script ay hindi nila kailangang umasa at bahala silang umisip ng dialogue nila na babagay sa kinukunang eksena.
Ancestral house pala nina Julia ang “Bahay na Pula” na kulay puti naman ang pintura at may disenyo lang na pula na sobrang luma na ng bahay at kailangan na itong i-renovate na ito ang dahilan kung bakit siya bumalik sa bahay ng ninuno niya.
Ang nasabing bahay ang nagsilbing tahanan ng mga Hapon noong panahon ng giyera at dito rin dinadala ang comfort women na malalaman sa back story.
Isinama ni Julia ang asawang si Xian para puntahan ang bahay para i-check kung anu-ano ang mga kailangang ayusin at may kausap na rin silang engineer at mga tauhan na gagawa ng bahay.
Pero bago ito simulan ay kailangang ihingi ito ng building permit sa munisipyo na sa simula ay hindi pinagbigyan dahil may batas na hindi dapat i-demolish ang isang ancestral house bagkus ito ay protektahan base sa batas.
Nahirapang makumbinsi ni Julia ang mayor kaya kinailangan niyang hingin ang tulong ng ex-boyfriend niyang si Marco na kanang kamay pala ng mayor.
Sa kalaunan ay napapayag na rin ang mayor na ginampanan ni Pola, Mindoro mayor Jennifer ‘Ina Alegre’ Cruz dahil sa bayan niya ang shooting.
Aligaga si Julia na masimulan ng i-renovate ang bahay dahil nabenta na ito ng nanay niya sa isang malaking kumpanya na planong gawing tourist resort.
Maraming pagsubok na nangyari dahil lahat ng nagkaka-interes kay Julia ay may masamang nangyayari dahil may gusto sa kanya ang nagbabantay sa “Bahay na Pula” na kasabwat ng caretaker nilang may edad na at naging kasintahan pala nu’ng opisyal na hapon noong kabataan niya.
Anyway, mas maganda kung panoorin ito sa Vivamax na nagsimulang mapanood nitong Pebrero 25 para may suspense at alamin kung bakit tinawag na “Bahay na Pula” na produced ng Viva Films.
Tiyak na nanibago ang tatlong bidang sina Xian, Julia at Marco sa ending ng pelikula nila dahil hindi nila ito inaasahan.
Tinanong nga raw nila si direk Brillante kung anong mangyayari sa ending ng movie at ang sagot lang daw sa kanila ay, “abangan n’yo na lang.” Oo nga, kaabang-abang naman talaga ito.
Anyway, mapapanood din ang “Bahay na Pula” sa ibang bansa via Vivamax tulad sa
Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, Canada and the United States.
Related Chika:
Xian pinaglaruan ng multo habang nagsu-shooting ng ‘Bahay Na Pula’: Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Marco Gumabao sawa na sa tanong kung anong gagawin sa Valentines: Wala naman po akong girlfriend so next question please?