True kaya, ‘Lunch Out Loud’ ng TV5 matsutsugi na?

True kaya, 'Lunch Out Loud' ng TV5 matsutsugi na?

BALI-BALITA ngayon na tila mamamaalam na sa pag-ere sa telebisyon ang noontime show na “Lunch Out Loud”.

Ito nga ay isa sa mga napag-usapan sa latest showbiz update vlog ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi, Tita Jegs, at Dyosa Pockoh.

“Ito raw show ay magpapaalam na pero syempre, wala naman tayong katibayan. Ito’y mga usap-usapan lamang.Hindi pa ito kumpirmado so ‘yung makakapanood, pwedeng i-confirm ito o i-deny,” saad ni Ogie Diaz.

Ayon sa chikang nakarating sa talent manager, hindi na raw kasi nakakaabot ang “Lunch Out Loud” sa inaasahang revenue.

“Basta ang nakarating lang is ‘yung LOL, magko-concentrate daw ‘yung produ (producer) sa kanyang kampanya. Pangalawa, hindi masyadong sumisipa.

“Tapos mayroon pang isyu na kunwari, ‘yung limang araw na show, ‘yung isa doon, libre. Parang buy 4 take 1 doon sa mga talents fees para lang daw makaagapay,” pagpapatuloy ni Ogie.

Ayaw naman daw niya na one-sided lamang at puro mga chika lang ang kanyang sabihin kaya naman nag-reach out siya sa isasa kanyang kaibigan at bahagi ng “Lunch Out Loud” na si Wacky Kiray para alamin kung may katotohanan nga ba ang balita.

“Sabi ni Kiray, wala akong alam dyan. Pangalawa, parang hindi naman kasi tuloy-tuloy pa rin kaming nagte-taping at mayroon nga kaming bagong episodes ngayon,” pagkukwento niya.

Hiling naman ni Ogie Diaz na sana ay hindi talaga totoo ang mga bali-balitang kumakalat ukol sa “Lunch Out Loud”.

“Hindi dahil binabalita namin dito, kami ‘yung nauna, e natutuwa kami. Siyempre trabaho pa rin ‘yan para sa kasamahan natin sa industriya.

“Ang dami na ngang nawalan ng trabaho dulot ng pandemya, dulot ng pagkakasara ng ABS-CBN na napunta sa TV5, tapos magsasara ‘yung mga shows. Kaya sana hindi ito totoo,” sey ni Ogie.

Well, sana nga talaga ay hindi ito totoo dahil marami pa rin sa ating mga kababayan na naapektuhan ng pandemya ang dahang-dahang bumabawi at nakakausad kaya sana ay mali ang tsismis na ito dahil kawawa naman ang mga taong maaapektuhan sakaling ito’y mangyari.

Bukas naman ang Bandera sa pahayag ng produksyon ng “Lunch Out Loud” ukol sa isyung ito.

Related Chika:
Lunch Out Loud papalitan nga ba ng It’s Showtime sa TV5?
Ariel out na sa ‘Lunch Out Loud’; Direk Bobet may kinalaman kaya?

Read more...