Antoinette Jadaone palaban kapag may issue sila ni Dan Villegas: Hindi talaga ako nagpapatalo

Antoinette Jadaone at Dan Villegas

NATANONG ang line producers ng Vivamax original series na “The Seniors” na sina Direk Antoinette Jadaone at Dan Villegas sa virtual mediacon kung kailan naman ang kanilang kasal.

Dalawang taon na kasi silang engaged sa darating na Peb. 28 na nangyari sa Europe taong 2020.

Siyam na taon nang magkasintahan sina direk Tonette at Direk Dan matapos magkakilala sa Gala night ng “Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay” na ang una ang nagdirek.

Humalakhak to the max muna ang dalawang direktor, sabay sabi ni direk Tonette ng, “Pag wala na pong pandemic. Kapag may pera na po, mas marami pang dapat pagkagastusan at pagkaabalahan kaysa sa ano.”

Kaya panay-panay muna ang paggawa nilang dalawa ng pelikula. At dito na nga naikuwento ni Direk Dan na may follow-up na agad ang “The Seniors” na ipalalabas sa Vivamax.

Sabi ni Direk Dan, “Actually we’re producing another for Vivamax, a very mature love story and we’re going to shoot soon.”

Dagdag ni direk Tonette, “Very sexy but the difference is the director is female, Joy Aquino, the writer is a woman, the story of a woman and the cinematographer is a woman also.”

Paliwanag ni Direk Dan, “So, parang ang main point namin in making that is to create a love story that very erotic but the point of view of a woman.”

Natanong ang dalawang direktor na owners ng Project 8 Projects Production kung paano nila naaayos ang creative differences nila sa mga ginagawa nilang pelikula.

Unang sumagot si direk Tonette, “Sobrang magkaiba kami ni Dan kasi Aries ako tapos Virgo siya, so, madalas pinag-aawayan namin lahat (natawa). Yung personality ko hindi talaga ako nagpapatalo tapos si Dan din hindi rin siya nagpapatalo, pero mas siya ‘yung nagbibigay minsan kasi kapag mayroon akong gusto na isang creative decision ipinaglalaban ko talaga.

“Pero sa Project 8 kasi tatlo kaming decision maker, our other producer is Reign (Anne) de Guzman, para siyang si Bernardo Carpio nasa gitna namin siya ‘yung laging swim boat, siya ‘yung nagre-resolve ng mga pag-aaway,” sabi pa ng lady director.

Ano naman ang masasabi ni direk Dan? “Ayun nag-aaway kami. Ha-hahaha! Mahirap siya kasi number one magkaibang-magkaiba kami ng personality ni Tonette.

“Tonette kasi is very spontaneous and ayon ka sa aking zodiac (sign) oc (obssessive compulsive) daw ako lahat nakaplano, so, sa ganu’n aspect palang parang building decision tend to fight each other, so, kailangan namin ng balance. And good thing is we have Reign to balance things out,” aniya pa.


Sa kasalukuyan ay maganda ang takbo ng Project 8 Projects dahil maraming pumapasok na proyekto at kilala na rin ang film company ng dalawang direktor at ng business partner nilang si Reign pati na rin ang iba pang taong nasa kumpanya.

Samantala, concept ni direk Tonette ang “The Seniors” na mala-“Mean Girls” movie. Ang estudyante na bida sa kuwento ay galing Maynila at mag-aaral sa probinsya.

“Para ang bida naman ay mga high school students sa probinsya tapos inisip ko na bilang hindi na ako Gen Z (also known as zoomers) at medyo malayo na ‘yung high school life ko sa edad ko ngayon, I know na mas magagawa ng isang filmmaker o direktor na mas malapit ‘yung high school sa edad niya and we chose direk Shai Advincula-Antonio to do the series,” kuwento ni Direk Tonette.

Sa kanila nagsimula si direk Shai bilang production assistant, script continuity, assistant director at heto direktor na ng “The Seniors” series.

“At a young age, Gawad Urian winner na agad siya (short film Tembong).  And I think ‘yung experiences niya working with us in different films preparing her for her first series with Vivamax,” paglalarawan ni direk Tonette sa kanyang protége.

Hindi lang sa Gawad Urian nanalo si direk Shai dahil nag-uwi rin siya ng tropeo mula sa Cinemalaya Film Festival for Special Jury Prize sa Tembong at nominado sa Balanghai trophy.  Nominado rin sa parehong kategorya sa Star Awards for Movies at Famas Awards.

Anyway, mapapanood ang “The Seniors” sa Vivamax sa March 20 produced ng Viva Films. Ito’y pinagbibidahan nina Ella Cruz, Julia Barretto, Awra Briguela at marami pang iba.

https://bandera.inquirer.net/281650/janella-markus-galit-na-galit-sa-nam-bully-sa-kanilang-baby-basher-nagmamakaawang-nag-sorry

https://bandera.inquirer.net/300577/angelica-may-nakakalokang-kangks-experience-omg-this-is-so-big

https://bandera.inquirer.net/300185/lovi-janine-bibida-sa-isang-gl-story-magkakaroon-kaya-ng-steamy-scenes

Read more...