Bossing ibinandera ang pagiging BTS Army ni Tali; mas madaldal pa raw kay Pauleen

Vic Sotto, Pauleen Luna at Tali

HABANG tumatagal ang “work from home” set-up ni Bossing Vic Sotto sa gitna ng pandemya, parami rin nang parami ang mga nadidiskubre niya sa anak na si Tali.

Patuloy na nagtatrabaho ngayon ang TV host at veteran comedian kahit may banta pa rin ng COVID-19 pandemic pero sa bahay pa rin siya magwo-work araw-araw para sa “Eat Bulaga.”

At dahil dito, talagang nasubaybayan ni Vic ang paglaki ni Tali kaya naman sa bawat araw na dumaraan, ay may mga nadidiskubre siyang bago sa anak nila ni Poleng.

At ang pinaka-latest nga rito ay ang pagiging certified fan ng bagets ng sikat na sikat na K-Pop group na BTS.


“Isa sa latest discovery ko sa kaniya member siya ng BTS ARMY. Alam niya na yung ‘Dynamite,’ yung ‘Butter.’ Paulit-ulit ’yon tapos pinapanood niya,” ang natatawang chika ng Kapuso host-comedian sa panayam ng GMA.

Sey pa ni Bossing, sobrang energetic daw ng kanyang anak at habang lumalaki ito ay mas lalong nagiging active lalo na sa paglalaro at pagkukuwento.

Kaya naman talagang kailangan niyang mas magpalakas pa at alagaan ang kanyang kalusugan nang bonggang-bongga para makasabay pa rin sa energy ni Tali.

Chika ni Vic, “Hindi pwedeng tatamad-tamad ka dahil may kakulitan ’yung bata.

“Kailangan makipagtaguan ka, habulan, lahat ’yon. Kailangan may energy ka hindi lang sa pisikal kundi pati sa salita. Talo yata si Pauleen nito sa kadaldalan,” natatawa pa ring pahayag ni Bossing.


Nauna rito, naikuwento rin ng beteranong TV host na palagi raw  ipinagdarasal ni Tali na sana’y magkaroon na siya ng kapatid.

“Tuwing magdadasal sa gabi, parating, ‘Papa Jesus, thank You for my dad, thank You for my mom. Can You please give me a baby sister or baby brother?’” 

“Ang problema, parati naming katabing matulog eh,” natatawang chika pa ng mister ni Pauleen.

“Kailangan may nakayakap sa kanya, nakayakap sa mommy, kay Daddy niya.  Yun ang problema kaya hindi pa nagka-baby sister or baby brother si Tali. Hopefully soon, God-willing.

“Sabi ko nga, masusundan si Tali kapag matuto na siyang matulog mag-isa. We’re trying, alam mo naman in God’s time, alam mo naman si Tali nun, we just waited for God’s timing.

“Nasa Panginoon. Sa Panginoon naman lahat iyan, e, kung bigyan niya ng kasunod si Tali.

“Kung hindi naman, okay din naman si Tali, marami din naman siyang pamangkin na mas bata sa kanya. Marami naman siyang kalaro,” chika pa ni Bossing sa isang panayam.

https://bandera.inquirer.net/306371/bossing-ibinuking-kung-bakit-hindi-pa-uli-nabubuntis-si-pauleen-dasal-ni-tali-magka-baby-sister-o-brother

https://bandera.inquirer.net/292597/pauleen-nalulungkot-natatakot-sa-ilang-negatibong-epekto-ng-online-class-kay-tali

https://bandera.inquirer.net/301778/pauleen-may-tanging-dasal-para-kay-tali-pinuri-ang-pakikipag-usap-sa-security-guard

Read more...