Mikael Daez, Megan Young at Edgar Allan Guzman
ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng Kapuso actor-singer at dancer na si Edgar Allan Guzman sa GMA 7 dahil hindi talaga siya nawawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya.
Sunud-sunod ang magagandang proyekto na ibinibigay ng Kapuso network kay EA, ang latest nga ay ang pinag-uusapan nang GMA Telebabad series na “Widows’ Web.”
Siya ang magiging leading man ng isa sa mga bida ng teleserye na si Pauline Mendoza. In fairness, maganda at challenging ang role na gagampanan ni EA sa nasabing programa.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng award-winning actor ang litrato niya mula sa promo material ng “Widow’s Web” kalakip ang teaser video ng serye.
Aniya sa caption, “I would like to take this opportunity to say THANK YOU to @gmanetwork, @arnold_vegafria, @ggslara, @darylzamora, @sparklegmaartistcenter, @alvtalents for this project. Especially to Ms. (Helen Sese) @hrss14 for trusting and giving me the green light to portray the role of FRANK QUERUBIN.”
Sey ng Kapuso actor, ito na ang pinakamapaghamong role na nagawa niya para sa isang serye, “Definitely the most challenging role na nagawa ko sa isang teleserye. Grabe ‘yung emosyon ng character. Again from the bottom of my heart, THANK YOU.”
Samantala, ang “Widows’ Web” ang ang kauna-unahang project ng veteran direktor na si Jerry Lopez Sineneng para sa GMA matapos siyang lumipat sa GMA mula sa ABS-CBN.
Bukod kina EA at Pauline, bibida rin dito sina Ashley Ortega, Vaness del Moral at Carmina Villarroel. Magsisimula na ito sa Feb. 28 sa GMA Telebabad.
* * *
Talagang inabangan at tinutukan ng Kapuso viewers ang unang pasabog na episode ng “The Best Ka!” last Sunday, Peb. 20, hosted by Mikael Daez.
Nakakuha ng mataas na rating ang programa at naging hot topic din sa social media ang ilan sa mga kakaiba at nakaaaliw na kuwento tulad ng pinakamahabang dila, pinakamaraming toothpicks na naikabit sa balbas, at pinakamatagal na pagsabak sa “gurning challenge.”
Bukod sa nakakabilib na world records, marami rin ang kinilig at natuwa sa sweet na kulitan at palitan ng nakaaaliw na punchlines ng mag-asawang Mikael at Megan Young, na nagkasama nga sa unang pagkakataon bilang co-hosts sa TV.
Pinuri ng mga manonood ang malikhain nilang paraan ng pagkuwento sa “Best of the Best” entries na nagmula mismo sa Guinness World Records.
Kinilala rin ang pinaghalong aral at aliw na buong pusong ipinapangako ng programa sa mga susunod na linggo.
Patuloy na tutukan ang “The Best Ka!” every Sunday, 3:50 p.m. sa GMA 7.
https://bandera.inquirer.net/290347/ea-guzman-sa-relasyon-nila-ni-shaira-diaz-ready-na-ako-to-settle-down-pero
https://bandera.inquirer.net/306143/pauline-mendoza-nagpapayat-para-sa-widows-web-una-kong-mature-role-at-may-asawa-na-ako-rito
https://bandera.inquirer.net/306046/bakit-nag-yes-agad-si-carmina-sa-unang-suspense-serye-ng-gma-7-na-widows-web