Piolo Pascual, Pia Wurtzbach at Lovi Poe
PATUTUNAYAN muli ng singer-actor na si Piolo Pascual ang pagiging Ultimate Leading Man sa pamamagitan ng dalawang bagong bonggang project niya sa Kapamilya Network.
Sa upcoming comedy show at “sweetcom” ng ABS-CBN na “My Papa Pi” ay magpapasabog ng good vibes si Piolo habang sa comeback TV series niyang “Flower of Evil” ay muli naman siyang sasabak sa pagdadrama.
Ayon sa aktor, saktung-sakto ang offer sa kanya na gawin ang “My Papa Pi” dahil nagsisilbi itong pambalanse sa heavy dramang mga eksena niya sa Pinoy version ng hit Korean suspense-drama series na “Flower of Evil” kung saan makakasama niya si Lovi Poe.
“It’s a nice breather. I even surprised myself dito sa show (My Papa Pi”. Ang sarap having a solid cast and a director na alam mong talagang fun.
“We all have the same intention and for me, ang sarap na hindi mabigat yung dala mo kapag pumapasok ka sa set and kapag nakakapagpatawa ka and nakakabigay ka ng ligaya sa paligid mo.
“It’s a nice feeling pabalik sa ‘yo. Hindi ko alam kung anong ini-expect sa akin dito pero bahala na si Batman. Yun na lang,” pahayag ni Piolo.
At tungkol naman sa “Flower of Evil”, “Magkasunod kasi na pinitch sa akin if I’m not mistaken. When this was pitched the first time I said yes right away and I also said yes right away to Flower of Evil not knowing kung ano yung papasukin ko.
“But getting into this project I thought it was going to be a walk in the park kasi pag nag-sitcom ka yun ang magiging breaker mo. So parang galing ako sa Flower of Evil na sobrang heavy drama, I was really scared.
“Pero after the first day and now, parang mahirap na siya pakawalan kasi parang ang sarap niya i-embrace because the things that you cannot do on a normal day especially sa drama.
“Dito mo nailalabas yung kakulitan mo, yung pagiging creative mo. Yung just really thinking out of the box and just really growing still as a performer,” sey pa ng aktor.
Challenging at matindi rin ang pressure kay Piolo sa pagganap ng magkaibang-magkaibang karakter na ginagawa niya ngayon nang sabay.
“Pine-prepare ko na ang sarili ko sa pagpasok ko sa Flower of Evil kasi ibang-iba rin yung characters may pagka-twisted. Pero I guess that’s the fun part of being an actor.
“You get to really portray different roles. So mahirap na masarap. Masaya especially when you are with this kind of family na talagang ayaw na namin maghiwa-hiwalay maski pack up na.
“So masaya ako. Otherwise nasa bahay lang ako naghahalaman. So maganda yung ganito na bago,” natawang pahayag ni Papa P.
Sa March 5 na mapapanood ang “My Papa Pi”, Saturday, 7 p.m. sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN, directed by Cathy Molina. Makakasama niya rito sina Pia Wurtzbach at Pepe Herrera na gaganap na twin brother ni Piolo sa kuwento.
https://bandera.inquirer.net/293175/lovi-piolo-bibida-sa-pinoy-version-ng-hit-k-drama-na-flower-of-evil
https://bandera.inquirer.net/305453/vice-ganda-umalma-sa-mga-nagpapakalat-ng-fake-news-ang-evil
https://bandera.inquirer.net/289210/jennica-sa-pagpatol-sa-malisyosang-basher-i-repaid-evil-with-evil-hindi-dapat-tularan