Kris nasa Pinas pa rin; sinigurong walang cancer at maayos ang kidney at liver

Kris Aquino

NANDITO pa pala sa Pilipinas si Kris Aquino at hindi pa siya nakaaalis patungong Amerika tulad ng naisulat namin dito sa BANDERA base sa report ni Nanay Cristy Fermin sa kanyang radio program.

Naibalita ito ng host base sa binasang mensahe ng kanyang source noong Peb. 15 sa kanyang programa kasama si Romel Chika.

Walang balita mula kay Kris tungkol dito dahil ang huling Instagram post niya ay noong Peb.12 na kinunan siya ng blood samples para ma-check kung okay na siyang bumiyahe.

At ngayong gabi lang ulit siya nag-post ng video kung saan makikitang kinukunan uli siya ng blood samples.

Ang caption ni Kris, “I spent the whole afternoon here in our unit in consultation with 2 young doctors- for their privacy I won’t name them- they are sisters-in-law who are both allergy specialists…

“Marami akong health problems at present but para ma-confirm how serious they are, kailangan unahin namin ‘yung pinakamalaking hadlang, my allergies and my chronic urticaria,” simulang kuwento ng aktred at TV host.

“Hindi kasi alam how I’ll react to the dyes needed for tests like CT SCAN, MRI, and lahat ng may -gram sa ending,” dugtong niya.

Kinlaro rin ng mama nina Joshua at Bimby na wala siyang cancer, functional ang kidney at liver niya at wala rin siyang diabetes. Ang tanging hiling niya ay panalangin para sa mga mahal niya sa buhay lalo na para sa dalawang anak.

“For us na lang ‘yung autoimmune + other health issues ko, better for me to FOCUS on what’s GOOD: cancer is ruled out, kidney function is okay, sugar is fine (meaning no diabetes), and so far liver function is okay considering all my maintenance meds.

“Thank you for all your prayers & kind well wishes, but let’s continue praying not just for me BUT for all my loved ones: my family- my sisters, brothers-in-law, mga pamangkin and PLEASE, my 2 sons, Kuya Josh & Bimb.

“Please pray also for my closest cousins & my trusted friends from all colors of the (emoji rainbow) and my exceptionally loyal Doctors, my nurse, and my TEAM @home who worry, and do everything possible to keep me safe & Covid free…

“My prayers & sympathy to all those my cousin Charlie Cojuangco left behind, (most especially to my Manang Lisa.)

“We just finished this blood test 30 minutes ago to see kung viable candidate ako for the treatment I want to try, before we go abroad. Thank you, Jessica- my favorite med tech from St. Luke’s BGC.

“Sobrang daming dapat ma – THANK YOU but aangal kayo na ang haba ng caption ko. 

“So for now, God bless us. Good Night & #lovelovelove,” ang kabuuan ng caption ni Kris sa kanyang IG post.

Marami ang nagpahatid ng suporta, pagmamahal at panalangin para kay Kris. Isa sa nga nabasa namin ay ang mensahe ni Miles Ocampo na, “Love you Nanay.”

https://bandera.inquirer.net/280552/tita-ni-maja-na-nagpa-kidney-transplant-at-gumaling-sa-cancer-namatay-dahil-sa-covid
https://bandera.inquirer.net/288156/miss-international-2013-bea-rose-santiago-5-beses-nagpapa-dialysis-sa-loob-ng-1-linggo
https://bandera.inquirer.net/281251/kikitain-ng-vlog-ni-toni-ido-donate-para-sa-chemo-ng-dalagitang-may-stage-3-ovarian-cancer

Read more...