Cathy Molina pumayag idirek ang ‘My Papa Pi’ dahil kay Piolo: Na-miss ko na siya!

Cathy Molina, Pepe Herrera, Pia Wurtzbach at Piolo Pascual

TINANGGAP ng Box-office director na si Cathy Molina ang “sweetcom” na “My Papa Pi” nang dahil sa Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual.

Ito ang pagbabalik sa TV ni Direk Cathy makalipas ang mahabang panahon kung saan magsasama-sama nga sina Piolo, Pepe Herrera at Pia Wurtzbach.

“Ang top of all my reasons, si Piolo. I really want to work with Piolo kasi ang huling project namin Lobo pa. Dekada na yun. 

“So na-miss ko na siya and ngayon parang once a year na ako magpepelikula, parang na-offer sa akin yung pagkakataon na ayan project ni Papa Pi kaya umoo ako. Yun talaga yun. 

“Pangalawa it’s something new to me. Sitcom na naging sweetcom. Tapos na-cute-an ako sa idea na kambal si Pepe at si PJ. So natuwa ako du’n. Tapos siyempre meron ka pang Queen P (Pia) dito.

Parang ang saya lang. Isa pa, ang lapit pa sa bahay ko ng location,” natatawang chika ng direktor sa “My Papa Pi” online mediacon. 

Samantala, nabanggit din niya na kung hindi raw nangyari ang pandemya ay baka natuloy na ang pag-migrate niya sa New Zealand.

“Actually my children especially my daughter still wants to go to New Zealand. But because of the pandemic nagkaroon din ng avenue for a new company na na-put up ko with my friends na Nickl Entertainment and so far marami kaming natutulungang tao via this new company. 

“So parang na-push back ng konti yung paglipad. Pero nandun pa rin yung kailangan naming umalis. Kailangan kong pagbigyan yung anak ko. 

“Panay lang talaga ang katok ng kuwento. Siguro talaga pag isa kang mangunguwento, parang ang hirap umalis. Pag may magandang kuwento napapalingon ako pabalik,” pag-amin ni Direk.

At kung sakaling manirahan na nga siya sa New Zealand, game na game siyang gumawa ng pelikula roon, “Hindi malayong mangyari. Actually napag-isipan na. Kasi ang sabi ng Star Cinema sa akin before, kung nandu’n ako sila ang susunod.”

Pahayag pa niya, “I just want to give time to my kids. I have served 25 years of my life sa show business. It’s time to give it to my children.”

Mapapanood na ang “My Papa Pi” simula sa March 5, Saturday, 7 p.m. sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

https://bandera.inquirer.net/305565/true-ba-angelica-biglang-nagkasakit-kaya-pinalitan-ni-pia-sa-my-papa-pi-ni-piolo

https://bandera.inquirer.net/306145/piolo-sa-muling-pagtatrabaho-nang-regular-sa-tv-talagang-parang-bata-ulit-learning-new-things

https://bandera.inquirer.net/287656/may-sama-ba-ng-loob-si-direk-cathy-garcia-kina-john-lloyd-at-bea

Read more...