Elisse Joson, McCoy de Leon at Baby Felize
NAPAKASARAP ng pakiramdam na maging nanay. Yan ang napatunayan ng Kapamilya actress na si Elisse Joson nang isilang ang panganay nila ni McCoy de Leon.
Hindi raw niya ma-explain ang kaligayahang nararamdaman ngayong magkasama na sila ni McCoy bilang partners in life kapiling si Baby Felize.
“I think yung fulfillment na hinahanap ko for a long time, I think I found it by being a mother. And masarap talaga sa feeling.
“Actually, to summarize it, masarap sa feeling kasi you wake up to see your child, who looks up to you, and it feels great na wala siyang judgment sa ‘yo,” pahahag ni Elisse sa panayam ng entertainment press kamakailan.
Patuloy pa ng aktres at first-time mom, “She just loves you for who you are. Parang mararamdaman mo yun kahit baby pa lang siya. It feels really nice to love someone na galing sa ‘yo.
“And yung being hands on, I try to be as much as possible lalo na pag walang work. Both kami ni McCoy we’re very hands-on with that kasi nga gusto namin kami yung makilala niyang nandiyan sa kanya taking care of her and loving her,” lahad pa ni Elisse na napapanood ngayon sa iWantTFC Original series na “The Goodbye Girl.”
Aminado naman ang aktres na pinag-aaralan pa rin niyang balansehin ang pagiging working mom, “Yun actually yung tina-try ko pa rin i-master. I think it takes time to learn how to balance things.
“Kasi prior to being a mom, yun yung isa ko ring struggle, yung pag-balance. Wala pa akong anak nu’n. But it’s hard for me to balance and prioritize schedules.
“Pero ngayon na meron na akong anak, I think that it’s going to flow naturally. Na parang kailangan mo kasi ma-juggle lahat.
“So yung mind ko nandu’n na talaga sa I have to think of what’s important to do for this day and then dun pa lang ako mag-mo-move forward. I don’t try to think of everything all at once kasi ang hirap gawin nun ng sabay sabay.
“But I think yun yung isa sa mga superpowers ng mothers, ang mag-balance at juggle ng mga bagay bagay,” pahayag pa ng celebrity mommy.
Bukod dito, isa pang challenge kay Elisse ang magtrabaho sa gitna ng pandemic. Kailangan kasi niyang iwan nang ilang araw ang anak kapag sumasabak sa lock-in shoot.
“That’s actually one of the biggest struggles na pinagdadaanan ko ngayon because of the work environment I’m in.
“But I just feel like if it’s the right project, if I feel like it’s going to give me growth in terms of career and in terms of myself personally, I think I would take it.
“With Felize naman, I would never think na pinapabayaan ko siya just because I’m going to be away for a while because of work,” chika pa niya.
https://bandera.inquirer.net/304968/elisse-joson-ayaw-ng-bonggang-wedding-ang-dream-ko-lang-talaga-sa-dagat-at-sa-church
https://bandera.inquirer.net/296586/mccoy-elisse-pinag-usapan-kung-bakit-sila-naghiwalay-noon
https://bandera.inquirer.net/296589/part-2-ng-love-story-nina-mccoy-at-elisse-nagsimula-nang-dahil-sa-jacket-nadaan-sa-signs