Coleen isinama ang anak sa lock-in shoot: Hanggang ngayon kasi breastfeeding pa rin ako

Billy Crawford, Coleen Garcia at Baby Amari

KASAMA ni Coleen Garcia ang anak nila ni Billy Crawford na si Baby Amari nang sumabak siya sa lock-in shoot para sa comeback movie niyang “Adarna Gang.”

Ito ang pagbabalik niya sa larangan ng pag-arte matapos ipanganak si Amari noong September, 2020, kaya naman magkahalong kaba at excitement ang naramdaman niya nang tanggapin ang offer ng Viva Films.

Proud padede mom din ang wifey ni Billy kaya naman talagang isinama niya si Baby Amari sa tinutuluyang hotel (location ng Adarna Gang) para kahit nagtatrabaho siya ay maipagpapatuloy pa rin niya ang pagpapa-breastfeed sa anak.

“Nag-shooting kami sa isang place na zero talaga yung COVID-19 cases. Ito pa yung time na puwede nang lumabas yung mga bata.

“Si Amari, hindi siya nakaapak sa set pero kasama ko siya sa hotel. He stayed with us sa hotel room, nandoon lang siya. He never left.

“I felt safe kasi hanggang ngayon, breastfeeding pa rin kasi ako, so every time he needs me, I’m really there for him,” kuwento ni Coleen.

Aniya pa, “We worked so efficiently, hindi kami napa-pack up nang sobrang late so I’m able to come back to him. 

“If ganito naman yung working conditions, I don’t mind working all the time. But, of course, Amari is always going to be a priority for me,” sey pa ng aktres.

Inamin din ni Coleen na medyo na-intimidate siya sa mga co-stars niya sa movie dahil nga matagal siyang hindi sumabak sa aktingan. Aniya, ang gagaling daw talaga nina Ronnie Lazaro, Mark Anthony Fernandez, Jay Manalo, JC Santos, at Diego Loyzaga.


“Ang pagiging aktor kasi siyempre magkakaibang techniques, magkakaibang ways of getting the emotion out and for me, I had to figure that out all over again.

“Para sa akin, yun siguro ang naging pinaka-challenge pero mas nakaka-pressure lang talaga because I was surrounded by really good actors and not only that, lahat talaga sila, active.

“Lahat sila may recent project and everything so parang talagang na-intimidate ako noong una. But it’s a good thing na hindi sila intimidating people. Parang very approachable pa rin.

“At the end of the day, very nice, and we’re just all laughing and enjoying the entire time na nagsu-shoot kami and that was a huge help talaga,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/290450/billy-bilib-sa-pagiging-padede-mom-ni-coleen-wonderful-mom-and-the-best-wife-to-a-pasaway-husband

https://bandera.inquirer.net/289227/coleen-billy-nakalimutan-ang-7th-anniversary-we-go-all-out-on-a-regular-and-i-love-it
https://bandera.inquirer.net/292701/billy-coleen-emosyonal-sa-1st-birthday-ng-anak-na-si-amari

Read more...