Miriam umamin sa tunay na dahilan kung bakit nagdesisyong tumira sa Bora kasama ang pamilya

Miriam Quiambao at Ardy Roberto

BAKIT nga ba biglang nagdesisyon ang TV host at dating beauty queen na si Miriam Quiambao na lisanin ang Manila at manirahan na sa isla ng Boracay?

Aminado ang aktres na isang “big move” ang paglipat nila ng kanyang pamilya sa Bora makalipas ang ilang taong pamamalagi at pamumuhay sa Maynila.

Sa nakaraang guesting ni Miss Universe 1999 1st Runner-Up sa  “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga kahapon, Feb. 22, ipinaliwanag niya kung bakit nasa Boracay na siya ngayon with her husband Ardy Roberto and their kids.

Sabi ni Miriam sa mga “Eat Bulaga” Dabarkads na sina Paolo Ballesteros at Maine Mendoza, nagulat daw talaga sila sa presyo ng mga pinarerentahang bahay sa Bora mula nang magsimula ang pandemya noong 2020. 


Namurahan daw silang mag-asawa sa rent prices, “E, kasi nu’ng minsang naglalakad ang asawa ko doon sa village namin parang sinabi sa kanya ni Lord, ‘You don’t have to stay in the city, you can go outside of the city.’

“Tapos nu’ng naisip niya beach. So, nag-consider siya sa Batangas, pero parang masyadong malalayo sa kabihasnan, tapos meron kaming maliliit (na anak),” pahayag pa ng dating beauty queen.

Dagdag pang kuwento ni Miriam, halos half the price na ang rentahan ng mga bahay doon, “Nu’ng naghahanap siya ng mga apartments natungtungan niya itong Boracay.

“Nakita niya na kalahati ang presyo dahil pandemic price ang lahat ng mga condos and apartments dito. Isa ‘yun sa mga reason kung bakit kami lumipat dito,” lahad pa niya.

Naisip ni Miriam na mukhang mas wais at mas praktikal pa sa panahong ito ang manirahan sa probinsya na makakatulong din sa kanyang mental health.

“Bukod doon, e, siyempre outdoor lifestyle, mae-enjoy ng mga bata. Also, for our mental health di ba? Panahon ng pandemya, parang it’s a once in a lifetime opportunity ika nga.

“It makes mental health sense, it makes family sense and then it makes economic sense. So, why not!” masaya pang paliwanag ng TV host at aktres.

Ikinasal sina Miriam at Ardy noong 2014 at biniyayaan na ng dalawang anak, sina Elijah at Ezekiel Isaiah o Ziki. Ang panganay nilang si Joshua ay anak ni Ardy sa una niyang asawa.

https://bandera.inquirer.net/304338/miriam-quiambao-covid-free-na-inilalabas-na-uli-ang-anak-para-makapag-bonding-sa-park

https://bandera.inquirer.net/288298/miriam-quiambao-isinilang-na-ang-kanyang-miracle-baby-thank-you-for-your-prayers

https://bandera.inquirer.net/280354/couplegoals-coco-julia-magkasamang-nagbakasyon-sa-bora

Read more...