LABIS ang tuwa ng mga fans at taga-subaybay ng South Korean star na si Park Bo Gum matapos ang anunsyo ng pagkaka-discharge sa kanyang mandatory military enlistment active-duty service nitong February 21.
Napaaga nga ang pagkaka-discharge ng aktor dahil na rin sa bagong patakaran dahil sa COVID-19 kung saan pinapayagang gamitin ang natitirang leaves kaya nakauwi na ito sa kanyang tahanan at hindi na kinakailangan pang bumalik sa kanyang base.
Subalit hindi pa rin makikita ng madlang pipol si Park Bo Gum hangga’t hindi pa natatapos ang kanyang office discharge date na hanggang April 30 pa.
Noon kasi ay obligado sila na manatili sa kanilang mga bases hanggang sa huling staw ng kanilang military service ngunit dahil nga sa pandemya at nagkaroon sila ng pagbabago upang maiwasan na rin ang pagkalat ng nakahahawang virus.
Sa kabila ng early dischage ay mananatili pa rin itong active serviceman hanggang April 30.
Ayon sa Blossom Entertainment, agency ng aktor, gagamitin niya ang panahon para makapagpahinga hanggang April 30 at saka na lamang magpaplano ng mga projects at activities pagkatapos nito.
Nagsimula ang kanyang mandatory enlistment ning August 2020.
Hindi lang naman siya ang aktor na nag-undergo sa military enlistment dahil lahat ng may malusog at maayos na pangangatawan ay kinakailangang sumailalom dito lalo na at patuloy pa rin silang nakakadama ng security threats mula sa North Korea.
Ilan sa mga pinagbidahang Korean series ni Park Bo Gum ay ang “Blind” (2011), “Reply 1988” (2015) at “Love in the Moonlight” (2016).
Huli itong napanood sa Netflix Korean series na “Record of the Youth” (2020).
Related Chika:
2 member ng BlackPink type jowain ni Enchong; Erich patay na patay kina Park Bo Gum at Hyun Bin
Diego ginaya si Park Bo Gum sa Pinoy version ng Encounter: Pero ang gwapo niya talaga, iba ang charm…