Miss World PH 2021 Tracy Perez dedma na sa kanegahan: Today, I choose to be happy…

Tracy Maureen Perez

HABANG patuloy ang ginagawa niyang paghahanda para sa Miss World 2021 grand coronation sa San Juan, Puerto Rico, may hiniling ang ating pambatong si Tracy Maureen Perez sa madlang pipol.

Idinaan ni Miss World Philippines 2021 sa Instagram ang pakiusap niya sa sambayanang Filipino na samahan siyang balikan ang kanyang Miss World Philippines experience hanggang sa paglaban niya sa international pageant sa darating na Marso.

Nag-share ang Pinay beauty queen ng mga litrato niya sa IG na pinaniniwalaang kuha sa ilang landmarks at tourist spots sa  Las Vegas. 

“I’ve come to realize that happiness is and will always be a choice. Today, I choose to be happy no matter the opinion of others, I choose to keep moving forward no matter the setbacks, and I choose to keep believing in God’s perfect timing for everything no matter the doubts,” ang unang bahagi ng inilagay niyang caption.

Patuloy pa niya, “The Miss World competition is just around the corner! Come join me and let’s relive the wonderful memories and experiences as your Miss World Philippines.

“Don’t forget to show some love and visit my official Miss World website (while I work on the backend), link to be posted in my bio! See you there,” dagdag pa niya.

Nauna rito, inamin ni Tracy na kailangan niya uling karirin ang paghahanda para sa magiging laban niya sa 70th edition ng Miss World.

Ito’y nang makabalik na siya ng Manila mula sa Cebu kung saan nakiisa siya sa tuluy-tuloy na relief mission para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Odette.


Ayon sa dalaga, matapos ang long holiday at ilang araw na pananatili sa Cebu, kailangan niya uling mag-prepare “physically and mentally” bilang representative ng Pilipinas sa Miss World 2021 na gaganapin sa March 16 sa Coliseo Jose Miguel Agrelot, Puerto Rico. 

Feeling kasi ng dalaga, medyo nawala ang focus niya sa nasabing international pageant dahil sa haba ng kanyang bakasyon at sa pagtulong niya sa mga relief mission sa Cebu.

“We, all 97 contestants, were called for a meeting in the morning of December 16 and were informed of the postponement. From there, I visited my relatives in Oceanside, San Diego in California. 

“It was my first time in the States and I spent the holidays with them until January 4. Then I went back to Cebu for our #OdettePH relief initiative,” paliwanag ni Tracy sa isang panayam.

Dagdag pa niya, “I stepped back and recharged. My journey is fulfilling but quite taxing. I value family and my ‘me’ time. I also prioritize my emotional self as depression has no face, so I listen to my mind and body.”

“My immediate task now is to get my momentum back, and yes, I can bring change to the world and bring my advocacy to the global stage. 

“I’ve brought my heart, my soul, and my experiences to Puerto Rico. But this time, I’ll also bring the hope of Filipinos to the fight.

“My mindset is to be consistent throughout, someone who’ll represent the organization as its international spokesperson,” lahad pa ng beauty queen na inaasahang magiging ikalawang Miss World ng Pilipinas after Megan Young.

https://bandera.inquirer.net/300434/tracy-perez-pasok-na-sa-2021-miss-world-top-30-tinawag-na-queen-b-si-beatrice-gomez
https://bandera.inquirer.net/300642/2021-miss-world-ph-tracy-perez-umaming-nawalan-ng-tiwala-sa-sarili-bitbit-ang-payo-ni-megan

https://bandera.inquirer.net/279484/rabiya-kinakarir-ang-hala-bira-walk-para-sa-miss-universe-2020-sumabak-din-sa-acting-workshop

Read more...