‘AGT’ Golden Buzzer ‘Nightbirde’ pumanaw na sa edad 31 matapos makipaglaban sa cancer

Jane ‘Nightbirde’ Marczewski

MEDYO apektado kami sa malungkot na balitang pumanaw na si Jane Marczewski o mas nakilala sa tawag na “Nightbirde” sa edad na 31.

Sa mga hindi pa masyadong aware, si Jane ay isa sa mga naging  contestant sa reality show na “America’s Got Talent” na talaga namang nagmarka sa mga manonood.

Isa kami sa humanga at bumilib hindi lang sa talento niya sa pagkanta kundi pati na rin sa katapangang ipinakita niya habang lumalaban sa sakit na cancer.

At dahil sa makabagbag-damdamin at tagos na tagos sa pusong performance niya sa “AGT” ay binigyan siya ng Golden Buzzer ni Simon Cowell.

Kinanta ni Jane ang isinulat niyang original song na may titulong “It’s Okay” na tumatalakay sa naging journey niya sa paglaban sa cancer. 

Dito, ipinahiwatig niya sa buong mundo na sa kabila ng kanyang karamdaman ay patuloy pa rin siyang nangangarap at handang gawin ang lahat para sa kaligayahan niya at ng pinakamamahal niyang pamilya.

Ang pagpanaw ni Jane Marczewski ay ibinalita ng “AGT” sa kanilang  social media account, “Your voice, your story, and your message touched millions. Nightbirde will always be a member of the AGT family. Rest In Peace, Jane.”

Bago pumanaw ang dalaga, nag-post pa siya sa Facebook noong August, 2021 ng announcement tungkol sa pag-atras niya sa “AGT” dahil mas lumala pa ang kanyang sakit na nagkaroon na rin ng kumplikasyon.

“Sharing my heart with the world on AGT has been an honor and a dream come true. My point of view this summer has been astounding. What a miracle that the pain I’ve walked through can be reworked into beauty that makes people all over the world open their eyes wider.

“Since my audition, my health has taken a turn for the worse and the fight with cancer is demanding all my energy and attention. I am so sad to announce that I won’t be able to continue forward on this season of AGT. Life doesn’t always give breaks to those that deserve it—but we knew that already.

“Thank you for all your support, it means the world to me. Stay with me, I’ll be better soon. I’m planning my future, not my legacy. Pretty beat up, but I’ve still got dreams,” mensahe ni Jane.

Tandang-tanda pa namin ang reaksyon ni Judge Simon sa performance ni Jane, “Absolutely stunning. I totally agree with what Howie said about authenticity. There was something about that song and how you casually told us what you’re going through.”

Sagot naman ng dalaga, “You can’t wait until life isn’t hard anymore before you decide to be happy.”

https://bandera.inquirer.net/285546/batang-pinoy-binigyan-ng-standing-ovation-sa-agt-2021-audition-mga-judge-na-shock

https://bandera.inquirer.net/305950/janine-gutierrez-apektado-nga-ba-sa-pagiging-mas-malapit-nina-julie-anne-san-jose-at-rayver-cruz
https://bandera.inquirer.net/281251/kikitain-ng-vlog-ni-toni-ido-donate-para-sa-chemo-ng-dalagitang-may-stage-3-ovarian-cancer

Read more...