Parokya ni Edgar
NAPATUNAYAN ng OPM icon at songwriter na si Chito Miranda na hindi talaga nakasalalay sa bokalista lamang ang kasikatan ng isang banda.
Ito’y matapos niyang ibalita sa madlang pipol lalo na sa mga loyal supporters ng Parokya ni Edgar na isang English song ng grupo ang itinuturing ngayong “greatest hit” nila sa isang music channel at streaming site.
Sa Instagram, ipinost ng mister ng aktres at negosyanteng si Neri Naig ang isang throwback photo ng Parokya ni Edgar habang nagpe-perform sa Myx Channel. Kalakip nito ang photo ng isang streaming app kung saan makikita ang kanta nilang “Your Song” bilang number one during the last 28 days.
Ani Chito sa caption, “Ang weird, pero sobrang saya ko na ang greatest hit ng Parokya, is an English song written by Gab (ang gitarista namin na malupit).
“Kumbaga, hindi sya yung expected na yung pinakasikat na kanta ay Tagalog na ‘pang-masa’ na sinulat ng bokalista na main songwriter,” pahayag pa ng singer-songwriter.
Dito nga nasabi ni Chito na, “It’s just refreshing, because it shows na hindi nakasalalay sa bokalista or sa frontman lamang ang kasikatan ng isang banda, and that one’s greatest hit need not always be ‘pang-masa’.
“Masaya din ako na mas madami pa ang nakinig sa ‘Rosas’ this month compared to ‘Bagsakan.’ Malaking bagay para sa akin yun because it shows that people actually listen to our new material.
“Wala lang…masaya lang ako,” pahayag pa ni Chito.
Narito naman ang ilang comments ng mga netizens sa IG post ng OPM icon.
“Memorize ko nga yan e, kaso hindi ko kaya kantahin. Basta my fave #YourSong by PNE!”
“Iisa lang – yan ang pinaka paborito kong kanta nyo.. kase nga iisa lang.”
“Favorite Band ever!!! I have songs here in my phone na puro parokya. Lodi pati na din sa business sinundan ko kayoo.”
“And to think this is the ‘hidden track’ sa Bigotilyo. I was listening to it noong 2005 and was wondering kung ano yung title ng song. Buti na lang may kakilala akong ‘insider’ na sinabi sa akin yung title ng song, kung sino kumanta at nagsulat, in 2005.”
“Sobrang nakaka inlove yang kanta nyo na yan, highschool ako nun sumikat yan eh. Pag may isang nagdala ng gitara buong room kami kumakanta.”
“Sobrang memorable nyang Your Song sakin, sir. Theme song namin yan ng perslab ko. Haha! Ngayon pag naririnig ng Mama ko yung kanta, sya na mismo nanunukso. Sya nauuna mag-reminisce ng maaga kong pagblondi. Chareng.”
“Yan ang Parokya kahit na hindi magaling, Kami ang bandang hindi nila kaya patayin, Tumatanda na pero nandito pa rin, At habambuhay kaming maghahasik ng lagim.”
https://bandera.inquirer.net/300489/neri-chito-7-years-nang-kasal-you-are-the-best-dad-and-the-best-husband-wala-na-kaming-mahihiling-pa
https://bandera.inquirer.net/286332/chito-napa-throwback-sa-pagsisimula-ng-parokya-ni-edgar-asar-talo-kina-neri-at-angel
https://bandera.inquirer.net/297165/chito-may-pa-tribute-para-sa-28-years-ng-parokya-ni-edgar-kahit-wala-pa-kaming-kinikita-sobrang-saya-talaga-namin