Aljur Abrenica
MAS tumaas pa ang paghanga at respeto ni Aljur Abrenica sa mga pulis at sundalo matapos gawin ang action-drama movie na “Mamasapano”.
Ito ang pelikulang tatalakay sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) noong Jan. 25, 2015 habang nakikipaglaban sa mga rebelde.
Mas kilala ang insidenteng ito sa tawag na “SAF 44” na nakatatak na sa kasaysayan ng PNP kung saan kinilala ring mga bayani ang mga napaslang na SAF members.
Kuwento ni Aljur, matapos mapabilang sa pelikulang “Mamasapano” napatunayan niyang napakatindi ng sinapit ng SAF 44 na talagang ibinuwis ang buhay para sa bansa.
“Nahirapan ako para sa kanila, sa ginagampanan namin. Kasi hindi biro yung pinagdaanan at sinapit nila du’n sa Mamasapano dahil ibinuwis nila yung buhay nila, para sa bayan. Tapos ang sinapit nila, wala pang hustiya.
“Para sa akin, in our own little ways, kapag nakakita ako ng sundalo, I always give them my respect. And hinahangaan ko sila, I always let them know na, make them feel na… kasi they are really important sa bansa natin.
“Sila yung reason kung bakit tayo nagkakaroon ng kapayapaan, especially dito sa Maynila,” pahayag ni Aljur sa online presscon ng “Mamasapano: Now It Can Be Told” last Feb. 17. Ito’y mula sa Borracho Film Productions na pag-aari ni Atty. Ferdinand Topacio.
Kuwento pa ng rumored boyfriend ng sexy star na si AJ Raval, habang ginagawa nila ang pelikula, ramdam na ramdam niya ang hirap at pagsasakripisyo ng mga napatay na pulis noong in-ambush sila.
“Sa action, yes, mahirap siya. Kasi yung sa amin nga, yung mga suot nga namin, yung uniporme namin halos totoo na, ang bigat, hindi pa nandun, e, yung mga vests.
“So, imagine yung pinagdaanan nila, yung engkuwentro na yun, a couple of days, from madaling-araw. Hindi madali yung mga pisikal na pinagdaanan nila, which is kami nga, ganun lang yung suot pero talagang nahihirapan kami,” aniya pa.
Ka-join din sa movie sina Claudine Barretto, Edu Manzano, Paolo Gumabao, Gerald Santos, Ritz Azul, Rez Cortez, Juan Rodrigo, Alan Paule, PJ Abellana, Jojo Abellana, Jojo Alejar, Marcus Emem at Rico Barrera.
Samantala, marami naman ang hindi naniniwala sa paliwanag ni Aljur tungkol sa rumored Valentine date nila ni AJ Raval sa isang hotel sa Tanauan, Leyte.
“We were invited sa mga kooperatiba, sa mga cooperatives, sa mga power plants dun, sa DORELCO sa may Leyte, oo. Kasi meron silang ipinaglalaban, lahat naman sila may ipinaglalaban.
“We were blessed to grace their inauguration, may bago silang bukas na radio station. Yung kumakalat sa balita, yung hotel nga, di nga kami nag-stay du’n, e.
“E, wala, trabaho yun, e, pupuntahan ko. Yung hotel na yun, nagulat ako, kumain lang kami dun tapos nagbihis lang to freshen up para sa show.
“Siyempre, Valentine’s, nagkataon lang. Tapos picture, tapos ang dating parang ilang araw kami du’n. Hindi (kami nag-stay du’n). Sila lang ang gumagawa ng drama na ‘yan. Kung anong gusto nilang makita, tingnan nila. Pero trabaho po yun, trabaho po yun para sa mga cooperatives,” paglilinaw ni Aljur.
Pero maraming netizens ang nagkomento na mas naniniwala silang magdyowa na nga ang dalawa kaya ang hamon nila, umamin na lang daw para matigil na ang mga “Marites.”
https://bandera.inquirer.net/288868/sharon-ipinakilala-ang-isa-pang-anak-sa-us-napakagwapo-iyan-ang-lahi-namin
https://bandera.inquirer.net/299925/biglang-sikat-na-singer-ayaw-nang-kunin-ng-producer-grabe-ang-taas-na-ng-tf-niya
https://bandera.inquirer.net/302021/chesca-sa-mga-mag-asawa-in-marital-relations-there-is-no-such-thing-as-luck