Pauline Mendoza nagpapayat para sa ‘Widow’s Web’: Una kong mature role at may asawa na ako rito

Pauline Mendoza

KINARIR talaga ng Kapuso young actress na si Pauline Mendoza ang pagpapapayat para sa bago niyang teleserye sa GMA 7, ang “Widow’s Web.”

Mapapanood na ito simula sa Feb. 28, kung saan gagampanan ng Sparkle artist ang karakter na Elaine Innocencio na aniya’y panibagong challenge na naman sa kanya bilang aktres.

Dito, makakasama ni Pauline sina Ashley Ortega, Vaness del Moral, Carmina Villarroel, Adrian Alandy, EA Guzman, Dave Bornea at marami pang iba.

Ayon sa dalaga, marami siyang ginawang preparasyon para sa bago niyang role kabilang na nga ang pagbabawas ng timbang.

“Since this is my very first mature role, I tried talaga na mag-lose weight. This is very different from any other of my roles from Kambal, Karibal at Babawiin Ko Ang Lahat.

“This time, nag-try ako talagang mag-lose weight para magmukhang mature kahit paano kasi I’m just 22 years old. So, ang hirap din gampanan ni Elaine Innocencio kasi dito magkakaroon ako ng asawa,” pahayag ni Pauline sa panayam ng GMA Network.

Isa pa sa ginawang preparasyon ng Kapuso star ay ang script reading sessions kasama ang mga co-stars with the guidance of course ng direktor nilang si Jerry Lopez Sineneng.

Chika ni Pauline sa nasabing interview, “We did script reading with Direk Jerry and with all the cast. And ‘yung script reading namin, it’s not just binasa namin and then nag-throw lines kami, it’s not that.

“What I like about sa nangyari is while we are doing the script-reading, unti-unti naming kinikilala ‘yung character. Kasi si Direk Jerry, he wanted us na from the script reading pa lang, dapat nabubuo mo na ‘yung character mo,” aniya pa.


Ito naman ang message ng Kapuso actress sa mga bossing ng GMA dahil isa siya sa mga napiling lead stars ng “Widows’ Web.”

“Nagpapasalamat ako kasi naging part ako ng napakagandang proyekto na ‘to. 

“Napakaganda ng istorya at naging sobrang excited ako kasi this is my first time actually to have a mature role. So, sobrang na-challenge ako this time for this teleserye,” sey pa ni Pauline.

Bakit nag-‘yes’ agad si Carmina sa unang suspense-serye ng GMA 7 na ‘Widow’s Web’?

Kristel Fulgar nag-record ng original Korean song para sa bagong web drama: Dream come true!

Thea Astley may 2 kanta para sa First Yaya; Pauline Mendoza laban kung laban

Read more...