Ruru Madrid
FEELING blessed and grateful ang Kapuso hunk na si Ruru Madrid dahil hanggang ngayon ay buong-buo pa rin ang tiwala at pagmamahal ng GMA 7 sa kanya.
Totoong-totoo para kay Ruru ang kasabihang “it pays to be loyal” dahil talagang alagang-alaga pa rin siya ng GMA. Sa katunayan, kabilang pa siya ngayon sa Magic 8 among Kapuso stars na bibigyan pa ng extra push ng Sparkle (dating GMA Artist Center).
Nasa isang lugar sa Quezon Province ngayon ang binata para sa pagpapatuloy ng lock-in taping ng kanyang action-fantasy series na “Lolong”.
“Yes, sa wakas, natuloy na rin kami. Mahirap gawin ang ganitong show na puro exteriors. Last year, sa una naming taping, inabot kami ng ulan at bagyo.
“It’s also very demanding to do a show na tungkol sa isang giant crocodile. We’re using an animatronic model na sampung tao ang kailangang bumubuhat sa set,” kuwento ni Ruru.
Makakasama rin ng aktor sa upcoming series ng GMA sina Christopher de Leon at Jean Garcia, at ang mga leading ladies niyang sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.
Nandiyan din sina Bembol Roco, Maui Taylor, Alma Concepcion, Abby Viduya, Leandro Baldemor, Ian de Leon, Malou de Guzman, DJ Durano, Marco Alcaraz, Paul Salas, Alma Concepcion at ang dating Kapamilya star na si Vin Abrenica.
“Being part of Sparkle is a big honor for me. With the help of the Sparkle team ni Mr. Johnny Manahan, makikita ng mga tao kung sino ang talagang ako.
“They’ll hone and enhance my singing and acting talent at makakapag-iwan ito ng mas matinding kinang sa isip ng bawat manonood,” pahayag ng Kapuso hunk nang tanungin tungkol sa Sparkle 8.
Isa sa mga natutunan ni Ruru sa ilang taon niya sa showbiz ay ang pagiging loyal at disiplinado, “One should never stop learning kasi, in this business, maraming darating na mas pogi or talented sa ‘yo, but as long as you passionately love your craft and continue to nurture it, hindi ka mawawala diyan.
“Also, panahon ngayon ng social media so dapat, lagi ka ring visible dyan. That’s why I put up my own Youtube channel. It’s very inspirational.
“I focus on people who struggled in life and how they survive yung trials na pinagdaanan nila. Please try watching it and I’m sure may mapupulot kayong insights from the lives of the people featured in it,” aniya.
Sinisiguro rin ni Ruru na sa bawat proyekto na ginagawa niya ay ibinibigay niya lagi ang kanyang 100 percent.
“Siyempre, dapat lang na huwag mong sayangin. Ako, I have such high hopes for ‘Lolong’, lalo na nga’t ginagastusan talaga ito ng network. There were many delays because of the pandemic, the weather, but I’m confident na malalampasan namin lahat ng pagsubok.”
“And yes, I trained so hard for it. Makikita naman ‘yan ng viewers when they watch the show. Lahat ng dangerous stunts and action scenes dito, I am proud to say na ako mismo ang gumagawa.
“Hindi kami mapapahiya rito ng mga kasama ko kasi talagang binusisi nang husto ang bawat aspeto ng ‘Lolong’ to make sure it will please all the viewers,” lahad pa ng binata.
Samantala, nitong nagdaang weekend ay naging isa sa top trending topic sa Twitter ang sexy billboard ni Ruru matapos itong maging hot topic ng mga netizens.
https://bandera.inquirer.net/303651/ruru-bilib-na-bilib-kay-kylie-walang-arte-walang-reklamo-i-will-always-care-for-you
https://bandera.inquirer.net/303194/ruru-madrid-inatake-ng-depresyon-muntik-nang-mag-quit-sa-showbiz-2021-its-not-a-good-year-for-me
https://bandera.inquirer.net/289669/gabby-binigyan-ng-acting-tips-si-rayver-priscilla-leandro-muling-magtatambal-sa-lolong