Kristel Fulgar ibinandera ang bagong gawang bahay: Nakikita ko na ‘yung mga bagay na naipundar ko

Kristel Fulgar ibinandera ang bagong gawang bahay: Nakikita ko na 'yung mga bagay na naipundar ko

SOBRANG saya ng aktres at social media influencer na si Kristel Fulgar dahil finally ay nakapagpatayo na siya ng kanyang sariling bahay.

Sa kanyang latest vlog ay ibinahagi niya ang naging journey niya mula sa unang buwan ng construction ng kanyang bahay hanggang sa pamimili ng mga gamit, hanggang sa maging fully furnished na ito.

“Finally, nakikita ko na ‘yung mga bagay na naipundar ko,” pagbabahagi ni Kristel.

Ang kanyang naipatayong bahay ay bunga ng kanyang pagtatrabaho simula pa noong bata sa showbiz industry maging sa pagiging YouTube content creator niya.

Kwento pa ni Kristel, kaya niya rin ginawa ang video para makapag-inspire siya ng ibang tao lalong lalo na ang kanyang future family na maging masipag at magkaroon ng pangarap sa buhay.

“Gusto kong ipapanood sa kanila ito para makita nila kung ano ‘yung mga pinaghirapan ko sa buhay. Na simula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki, pinaghirapan ko,” saad ni Kristel.

Magsisilbi rin itong fruit of labor para sa kaniya na maari niyang balik-balikan.

Bata pa lang si Kristel ay aware na siya nadi panghabangbuhay ay nasa showbiz siya kaya naman talagang nagpursige siya na mag-aral para kung sakaling hindi niya siya artista ay maaari pa rin siyang makapagtrabaho pero thankful siya dahil patuloy siyang nakatatanggap ng blessings at hanggang ngayon ay hindi siya pinapabayaan ng Panginoon.

“”Hindi ko in-expect na at this age magkakaroon ako ng sarili kong bahay. Hindi ko alam na magiging ganito ako katagal sa industriya ng showbiz kasi bata pa lang ako alam ko nang hindi forever ang showbiz,” sabi pa ni Kristel.

Hiling din ng dalaga na sana ay patuloy siyang makagawa ng mga klase ng vlogs kung saan dino-dociment niya ang kanyang mga achievements na maaari pang makapagbigay inspirasyon sa mga tao na magpursige pa at huwag sukuan ang mga pangarap.

Related Chika:
Kristel ipinasilip ang ipinagagawang bahay: Ang sakit sa bulsa!
Kristel Fulgar nag-record ng original Korean song para sa bagong web drama: Dream come true!

Read more...