Cristy Fermin kinontra si Barbie: Dapat tanggapin niyang siya ang iniwan

Cristy Fermin kinontra si Barbie: Dapat tanggapin niyang siya ang iniwan
PINABULAANAN ng kolumnistang si ‘Nay Cristy Fermin ang pahayag ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial na maayos ang naging hiwalayan nila ni Diego Loyzaga.

Sa isang interview kasi ng aktres para sa kanyang series na “The Goodbye Girl”, nabanggit ng dalaga na maayos at hindi bad break up ang nangyari sa kanila ng aktor.

Ngunit kwento ni ‘Nay Cristy, may isang source daw siya na malapit sa mag-inang Teresa at Diego na naging saksi sa nangyari sa relasyon ng dalawa.

Nabanggit rin ni ‘Nay Cristy na si Diego raw ang umalis at nang-iwan kay Diego.

“’Di ba may binanggit si Barbie, si Barbie Imperial, kailaman daw kapag siya ay nakipag-break, hindi siya nakikipagbalikan? Mayroon siyang binaggit na ganu’n sa interview, ‘di ba? Nabasa ko rin ‘yun,” pagkukwento ng kolumnista sa kaniyang show na “Cristy Ferminute”.

“Siyempre bilang babae, sasabihin niya ‘yun, ‘di ba? Kapag siya’y nakipaghiwalay, hinding-hindi na siya nakikipagbalikan. Tama din naman ‘yung kanyang opinyon. May mga babae talaga na hindi na nakikipagbalikan oras na nasaktan.”

“Pero sa kaso nila ni Diego, dapat tanggapin niya na siya ang iniwan, ‘di ba? Siya ang iniwan ni Diego, nagpunta ng America si Diego nang hindi kagandahan ang kanilang paghihiwalay,” pagbubuking ni ‘Nay Cristy.

Sa ngayon daw ay naghahanap ng trabaho si Diego sa Amerika dahil nais daw muna nitong pansamantalang manirahan sa bansa habang nagmo-move on.

Napag-usapan rin nina ‘Nay Cristy at ng kanyang co-host na si Romel Chika ang sinabi ng aktres na mas mamahalin na muna nito ang sarili sa ngayon.

“Hindi ba dapat naman talaga na sa pakikipagrelasyon, hindi mo itotodo ang lahat? Hindi mo ibibigay ang lahat para sa susunod mayroon ka pa ring huhugutin at ibibigay sa lalaking magmamahal sayo.

“Ganon talaga dapat. Una mong mahalin ang sarili mo. Dahil kapag wala kang iniwan sa sarili mo, wala ka ring maibibigay sa iba,” sey ni ‘Nay Cristy.

Giit pa niya, hindi lang naman ito applicable sa mga babae bagkus pati na rin sa mga lalaki.

“Una munang mahalin ang sarili para sa susunod may naiiwanan pa na pupwedeng ibigay sa karelasyon na susunod sa nawala.”

 

Related Chika:
John Lloyd hindi iniwan si Maja noong naging kontrobersyal ang love life

Read more...