Wedding ring nina Vice Ganda at Ion Perez nabili lang sa halagang 5 dollars

Vice Ganda at Ion Perez

FIVE dollars lang ang halaga ng biniling wedding ring ng bagong kasal na sina Vice Ganda at Ion Perez.

“Singsing-sisingan” ang description ng Kapamilya celebrity couple sa suot nilang wedding ring dahil nga biglaan lang talaga ang naganap na kasal wedding/commitment ceremony sa The Little Vegas Chapel, Las Vegas, Nevada noong Oct. 19, 2021.

Sa episode ng “It’s Showtime” kahapon, Feb. 16, nagkuwento sina Vice at Ion sa naganap na kasalan sa Las Vegas na una ngang napanood sa pre-Valentine vlog ng TV host-comedian sa kanyang YouTube channel.

“Sobrang spontaneous nu’n, buti nga merong slot du’n sa pinuntahan naming Las Vegas chapel. Ano ba yun? Little Vegas Chapel something,” pahayag ni Vice.

“Pumunta pa kami ng ano… wala kaming damit. Pumunta siya ng… naghiwalay tayo,” ang putul-putol na kuwento ng komedyante na ang tinutukoy ang pagbili pa nila ng white dress.

Sey naman ni Ion, “Actually, ito rin yung polo, e. Kumuha lang ako ng polong puti, ‘tapos sabi ko, ‘Puwede na ito!’ Bumili din siya ng ano, ng damit niya na parang simpleng dress lang.”

At tungkol nga sa kanilang wedding ring, ang chika ni Vice, “‘Tapos bumili kami ng singsing-singsingan sa Aldo, five dollars!”

Sey pa ng Phenomenal Box-office Star, hindi raw talaga kasingbongga  ng naiisip niya wedding dress ang suot niya kasal nila ni Ion ngunit sa kabila nito, sobrang kaligayahan pa rin ang naramdaman niya.

“Parang dinedma ko na yung pangarap ko na bongga yung singsing ko, bongga yung damit ko. Parang, wala na akong pakialam.

“At this point, kahit walang tao, wala na yung mga kaibigan ko. Ang mahalaga na lang, yung kami, di ba? Yung nandun siya, nandu’n ako.


“‘Tapos sabihin na natin yung gusto nating sabihin. Yun lang. And it just happened. It just happened. Ang saya-saya namin. Ang ganda nu’ng naranasan namin,” pagbabalik-tanaw pa ni Vice.

Mahigit isang taon nang engaged ang celebrity couple bago sila nagpakasal. Nag-propose si Ion kay Vice noong Feb. 21, 2020, sa bahay nila sa Quezon City.

Ang plano sana ni Ion ay sa “It’s Showtime” mag-propose pero hindi raw siya pinayagan ng management.

https://bandera.inquirer.net/305574/vice-ganda-ion-perez-nagpakasal-na-sa-las-vegas-may-pangako-para-sa-isat-isa

https://bandera.inquirer.net/305812/its-showtime-hosts-nabulaga-sa-vice-ion-wedding-ganyan-din-ang-naramdaman-ng-nanay-ko-at-ni-angeline
https://bandera.inquirer.net/305810/vice-inilihim-ang-proposal-ni-ion-sobra-akong-natakot-na-babuyin-lang-ng-tao-itong-bagay-na-napakaganda-sa-akin

Read more...