Rabiya Mateo handa na nga bang magpa-sexy?

Rabiya Mateo handa na nga bang magpa-sexy?

MATAPOS ang kanyang Miss Universe journey, unti-unti nang gumagawa ng pangalan si Rabiya Mateo sa mundo ng showbiz.

Kung tutuusin, hindi lang naman si Rabiya ang beauty queen na nag-shift into showbiz world dahil kahit ang ilan ring namayagpag sa beauty pageants na sina Maxine Medina, Ariella Arida, at Kylie Versoza ay nagdesisyon ring pasukin ang mundo ng pag-aartista.

Sa nagdaang online interview ng dalaga para sa “Agimat ng Agila” Season 2 ay natanong siya kung handa na ba siyang tumanggap ng mature o sexy roles.

Sagot ni Rabiya, mukhang sa ngayon ay hindi pa siya handang tumanggap o gumawa ng mga sexy roles.

“It’s because I just won Miss Universe Philippines and it will take a lot of years siguro,” saad ng dating Miss Universe Philippines winner.

Kwento pa ni Rabiya, iniisip niya ang magiging epekto niya sa mga taong sumusubaybay at sumusuporta sa kanya.

“I also consider ‘yung audience ko. Usually po kasi ng fans ko is bata so kailngan ko dahan-dahanin ‘yung image ko,” pagpapatuloy niya.

 


Amin pa niya, may mga kondisyon rin ang kanyang ina na talaga namang sinusunod niya kaya hindi pa rin siya maaring magpa-sexy.

“Kino-consider ko rin ‘yung mom ko kasi merong restrictions. Meron siyang rules kung hanggang saan ba talaga ako.

“It is safe to say na in the comyng three years, di ako tatanggap ng sexy roles,” sey ni Rabiya.

Isa ang Miss Universe Philippines 2020 winner sa mga gaganap sa action series na “Agimat ng Agila” Season 2 kung saan kasama niya si Ramon “Bong” Revilla Jr. na siyang debut series ng dalaga buhat nang maging official Kapuso siya.

Bukod kay Rabiya ay makakasama rin niya sina Sanya Lopez, Elizabeth Oropesa, Benjie Paras, Gardo Verzosa, Betong Sumaya, Kim de Leon, Lia Salvador, Sandro Muhlach, Shermaine Santiago, at marami pang iba.

Related Chika:
Rabiya Mateo ayaw na ayaw ng dinuguan; muntik maputol ang dila dahil sa…
Rabiya kumpirmadong magiging Kapuso na; nag-explain kung bakit napaluhod sa ‘final walk’

Read more...