Juan Miguel Zubiri
MATIGAS ang panawagan ni reelectionist Senator Juan Miguel Zubiri sa Department of Agriculture (DA) na tigilan na ang mga pag-aangkat ng mga produktong-agrikultural kasabay ng panahon ng anihan.
Nababahala na kasi si Zubiri na dalawang linggo nang bumabagsak ang presyo ng asukal dahil sa planong pag-aangkat ng Sugar Regulatory Board (SRA).
“First it was rice and corn, then pork, beef, chicken, and fish. Now it’s sugar. If we don’t put a stop to this ill-timed importation program, our local sugar prices will be in freefall for the coming weeks.
“We cannot allow this to happen. Our sugar farmers will be suffering next sugar crop year, with high production costs and lower productivity,” aniya pa.
Binigyan na ng “go signal” ng Department of Agriculture (DA) at SR ang pag-aangkat ng asukal para bumuti ang presyuhan at suplay bunsod na rin ng epekto ng pananalasa ng bagyong Odette.
Sinabi ni Zubiri na kailangan pagmalasakitan ang mga sugar farmers dahil wala aniyang ginawang hakbang ang dalawang ahensya ng gobyerno nang tumaas ang presyo ng fertilizers at diesel.
Pagdidiin nito sa binabalak na importasyon lalo lamang masasadlak ang mga naghihirap ng mga magsasaka.
Sinabi ng senador na hihilingin niya sa Senate Committee on Agriculture, na pinamumunuan ni Sen. Cynthia Villar, na magsagawa ng pagdinig sa isyu.
Paalala lang din nito, una nang nangako ang DA sa pagdinig ng kanilang pondo ngayon taon, na hindi mag-aangkat ng asukal sa panahon ng anihan.
Diin pa ni Zubiri na dapat ay magsumikap ang lahat para matiyak ang suplay ng mga produktong-agrikultural at hindi umasa na lamang sa pag-aangkat.
https://bandera.inquirer.net/290132/nas-daily-humingi-ng-tulong-sa-filipino-vlogger-para-linisin-ang-pangalan
https://bandera.inquirer.net/303095/faith-da-silva-muling-nanawagan-ng-ayuda-para-sa-siargao-it-really-breaks-my-heart