Glaiza de Castro at David Rainey
NAGPAKASAL na ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa kanyang Irish partner na si David Rainey.
Naganap ang intimate wedding nina Glaiza at David noon pang October, 2021 sa Northern Ireland na dinaluhan ng kanilang respective families at ilang malalapit na kaibigan.
Ibinahagi ng mag-asawa ang good news sa publiko kagabi, Feb. 14, sa “Kapuso Mo, Jessica Soho”.
Kuwento ng award-winning actress, ginanap ang kanilang kasal sa tabi ng isang castle na naging location ng hit series na “Game of Thrones.”
Ayon pa kay Glaiza, nagdesisyon sila ni David na huwag munang isapubliko ang kanilang kasal, hindi naman daw nila ito planong isikreto sa mga taong sumusuporta sa kanila.
“We’re just waiting for the right time. David was a very private person. We just wanted to celebrate it for ourselves and with the family,” paliwanag ng aktres.
Naikuwento rin ni Glaiza sa “KMJS” na ginawa rin nila ni David ang Irish tradition na tinatawag na “handfasting” bilang bahagi ng kanilang wedding.
Ito’y isang unity ritual kung saan nakatali ang kamay ng mag-partner sa pamamagitan ng isang braid o anumang katulad nito. Ayon sa isang website, ang “handfasting” ay puwedeng bahagi ng isang legally binding ceremony.
Kasunod nito, nabanggit din ni Glaiza na kahit nagpakasal na sila ni David sa Ireland ay hindi pa sila nagpalitan ng kanilang mga wedding ring.
Ang plano kasi nila ay gawin ito sa kanilang church wedding na magaganap naman dito sa Pilipinas.
Samantala, mapapanood din ang ilang kaganapan sa kasal nina Glaiza at David sa bagong vlog ng aktres sa kanyang YouTube channel.
Unang nagkakilala sina Glaiza at David sa Siargao noong 2018 at December, 2020 naman nang in-announce nila ang kanilang engagement.
In fairness, sila ang buhay na patunay na may “forever” sa long-distance relationship. Halos tatlong taon din silang naging magdyowa bago tuluyang magpatali sa isa’t isa.
Sa isang panayam noong kasagsagan ng pandemya, inamin ng aktres na mas lalong naging challenging ang kanilang LDR, “It’s been almost a year since the Philippines imposed the travel ban. If booking flights used to be so easy, sometimes surprisingly affordable, now it’s a conundrum of trying to find ways on when or how you will see your loved ones again.
“Yes, I’m one of those affected by this not because I’m itching to book my next travel destination but because I’m in a long-distance relationship made more difficult because of this pandemic.
“Anyone who’s in the same situation as me probably checks updates everyday hoping things will change. But as covid cases continue to grow, I guess we have to accept the fact that it’s not gonna happen anytime soon.
“So our faith is constantly tested, our creativity is challenged and though it is overwhelmingly hard, we continue to hope knowing that one day, it will all be worth it,” aniya.
https://bandera.inquirer.net/289383/glaiza-umamin-mahal-talaga-yung-relationship-namin-ni-david-dahil
https://bandera.inquirer.net/289244/glaiza-nanikip-ang-dibdib-habang-kinukunan-ang-drama-scene-hindi-talaga-ako-makahinga
https://bandera.inquirer.net/289244/glaiza-nanikip-ang-dibdib-habang-kinukunan-ang-drama-scene-hindi-talaga-ako-makahinga